Saturday, March 5, 2011

Awit ng Mortal

Ano ang sukat ng halaga ng isang buhay
Kayamanan ba o di kaya ang pangalan
Ano ang titimbang sa husto o kulang
Ng katuparan ng adhikain at paninindigan
May gantimpala bang dapat pang asahan
Upang kumilos nang tama’t makatuwiran

Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
Ngayumpama’y simulan mo na

Ang bawa’t tibok ng iyong puso
Minsan lamang madarama
Ito ang kumpas ng ating awit
Na sadyang may hangganan

May gantimpala bang dapat pang asahan
Upang kumilos nang tama’t makatuwiran

Kat’wan at isipa’y kukupas
Sa lupa’y yayakap din
Subali’t ang bunga ng iyong pamana’y
Higit pa sa pinagmulan

Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
Ngayumpama’y simulan mo na

No comments:

Post a Comment