1. Sobrang mapamahiin.
2. Ginagamit ang nguso, kilay, baba at siko sa pagtuturo ng direksyon.
3. Nakataas ang isang paa kapag kumakain.
4. Sinasawsaw ang tinapay (madalas pandesal) sa kape.
5. Pinapartner ang tuyo' sa champorado.
6. Inuulam ang kape, gatas, o tsokolate sa kanin.
7. Mahilig umihi sa pader, poste, gilid ng sasakyan, at madidilim na bangketa.
8. Sumisitsit kapag may tatawagin.
9. Sinisiksik ang bus tickets sa upuan at kung saan-saan.
10. Illogical sumagot. (e.g. Kumain ka na ba?Busog pa ko eh. Nasaan ka na?Malapit na.)
11. Kapag nagkukuwento laging magsisimula sa "Oi alam mo ba?".
12. Filipino time.
13. Mahilig magjay walking (Kahit may nakalagay ng "Bawal tumawid may namatay na dito")
14. Kapag may nakaharang sa daraanan "mag-eexcuse me" habang yuyuko at maghahand gesture (pointing hands) sabay dadaan.
15. Mahilig magtake out sa mga handaang pinupuntahan.
16. Laging brand name ang nasasabi kapag bibili (e.g Bibili: "Pabili ngang colgate", Tindera: "anung brand?" Bibili: "yong close up!")
17. Mahilig ipaframe ang certificates at ididisplay sa sala.
18. Mahilig sa imported goods.
No comments:
Post a Comment