1. Hindi lahat ng honor student matalino, ang iba nadadaan sa sipag, favoritism at sipsip na magulang.
2. Ang teacher may karapatang ma-late, ang estudyante wala.
3. Kung may teacher’s pet, definitely, may teacher’s enemy. Madalas sila lang ang natatandaan ng teacher pagkatapos grumaduate.
4. Madaling makakuha ng uno, mahirap magkasingko. Sino ba kasi ang gustong bumagsak?
5. May mga teacher na genius level ang IQ o may Ph.d, pero hirap ipaunawa ang lessons sa estudyante.
6. Karamihan sa mga estudyante nag-aaral para pumasa at makatapos, hindi para matuto. Nagiging motivation ang takot na bumagsak para mag-aral nang mabuti.
7. Hindi lahat ng nangongopya bobo. Minsan nakakatamad lang talaga mag-aral.
8. Iba ang ignorante sa illiterate. Mas kauna-unawa at katanggap-tanggap ang huli.
9. 25% lang ng content ng textbook ang pag-aaralan. Sayang ang perang pinambili. Bawal sa batas ang pagpapaphotocopy ng isang libro. Intellectual property daw.
10. May mga teacher na nagrerequire bumili ng textbook. Ang hindi bumili mababa ang grade, babagsak o kaya hindi makakapag-exam. Sila kasi ang author.
11. Ang mga Catholic School ang madalas na nagpapakita ng diskriminasyon laban sa estudyante. Hindi tinatanggap ang estudyanteng hindi kasal ang magulang.
12. Hindi lahat ng nakasulat sa libro o sinasabi ng teacher ay tama.
13. May mga teacher na binabasa lang ang libro, notes o kaya powerpoint kapag nagtuturo. Ang tawag diyan BEST IN READING o kaya READING CLASS.
14. Ang eskwelahan ang isa sa mga lugar na nagpapakita ng kawalan ng disiplina - sa pagtatapon ng basura, paggamit ng comfort room, sa pagsira ng gamit, sa kaingayan. How ironic.
15. Memorization ang pinakamababang uri ng pagkatuto.
16. The higher your education, the greater is your social responsibility.
17. Teaching ang noblest profession pero ito rin ang pinakahindi well-compensated na trabaho sa mundo. 18. Walang taong bobo, tamad meron.
19. Maraming grumagraduate na hindi man lang alam ang kanilang school hymn at hindi man lang nakakapasok ng library.
20. Mas magaling ang mga estudyante sa public school. Iba ang magaling sa matalino.
21. Hindi lahat ng nakasalamin at magaling magsalita ng Ingles ay matalino. Ang iba dinadaan sa diction at accent.
22. Karamihan sa mga tinuturo sa college ay repetition lang ng tinuturo sa high school. Dinadagdagan lang at iniiba ng terminology.
23. Math ang pinaka-hate na subject ng mga estudyante. Guards ang pinaka-hate nilang school personnel.
24. 25% lang ng tinuturo sa eskwelahan ang nagagamit sa pang-araw-araw na buhay.
25. Sa grading system, pinakamaliit na porsyento ang ibinibigay sa attitude/behavior, samantalang ito ang humuhubog sa pagkatao ng isang bata, ang siyang magiging basehan kung magtatagumpay siya o hindi.
26. Mayroon at mayroong estudyanteng tatatak sa isang teacher at may teacher na tatatak sa isang estudyante.
27. Hindi pinagtutuunan ng pansin ang lower sections. Palibhasa ang higher sections ang laging ginagamit sa demo.
28. Recess ang favorite period.
29. May mga school na environmentally interactive. Sa ilalim ng puno naglelesson dahil kinorakot ng gobyerno o pulitiko ang pampaggawa ng classrooms.
30. Tinuturo sa public school ang pagtitipid. 5 estudyante sa isang libro.
31. Binibigyan ng grade ang notebook. Mataas ang grade kapag maganda ang penmanship.
32. Teaching is not just a profession. It is a vocation.
33. Maraming estudyante ang may pampa-load. Pambili ng papel wala.
34. Treasurer ang pinakamahirap na posisyon sa class officers. Mayaman ang laging naeelect.
35. Ang mga school bully at black sheep kadalasan may problema sa pamilya.
36. Unang training ground for corruption ang tahanan. Ikalawa ang eskwelahan.
37. Mga nakakapagpahigh blood sa teacher - ingay, cheating, pangit na penmanship.
38. Hindi nawawala ang "labeling" o "branding" sa bawat klase - nerds, geeks, clowns, stars, varsities, etc.
39. Palaging may gay sa bawat klase.
40. Numero unong kasiyahan ng isang estudyante - kapag may bagyo.
41. Hindi nagbibigay ng grade na 74 ang isang teacher. Ipapasa at ipapasa yon.
42. Maraming hindi nakakagraduate dahil sa ROTC, PE at thesis.
43. Binibili ang pagtatapos at diploma. Kasi may graduation fee.
44. Maraming nabubuntis ilang weeks pagkatapos ng JS Prom.
45. For formality lang ang entrance exams sa private school.
46. Maraming tanong sa exams na hindi naman talaga tinuro ng teacher.
47. Sinususpend ang pasok kung kelan baha na.
48. Kinakamot ang ulo kapag mahirap ang exam o recitation.
49. Without teachers we are all nothing.
50. Grades aren't everything.
No comments:
Post a Comment