1. Makapasa sa board exam.
2. Makatanggap ng scholarship grant.
3. Maging kayo ng taong para sa ‘yo.
4. Manalo sa lotto.
5. Makapagpatapos ng anak hanggang kolehiyo.
6. Makaligtas sa kamatayan.
7. Magawaran ng isang parangal.
8. Mapromote sa trabahong pinaghirapan.
9. Makita ang kapamilyang matagal nawalay.
10. Makalaya mula sa ilang taong pagkakabilanggo.
11. Matupad ang mga pangarap.
12. Manalo sa isang prestihiyosong kumpetisyon.
13. Makatapos ng pag-aaral kahit matanda na.
14. Matanggap ang pinakaunang sahod sa pinakaunang trabaho.
15. Masaganang pasko ng isang dukhang pamilya.
16. Makapagluwal ng isang sanggol.
17. Mapawalang sala sa kasalanang hindi ginawa.
18. Makita ang unang beses na paglalakad o pagsasalita ng anak.
19. Matanggap ng pamilya kung ano at sino ka.
20. Maikasal sa simbahan.
21. Makapasa sa removal exam.
22. Maluklok sa puwesto.
23. Mabigyan ng sorpresa sa kaarawan.
24. Makapaglakbay abroad.
25. Makatulong at makapagpasaya ng kapwa.
Saturday, April 16, 2011
Bakit Ayaw Matulog ng mga Bata sa Tanghali?
May dalawang pamangkin ako dito sa bahay. At sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, ang hirap nilang patulugin sa tanghali. Kailangan munang magdeklara ng batas militar para sila sumunod. Ang santong dasalan nauuwi sa santong paspasan.
Ganoon din ang mga pamangkin ko sa Laguna. Sobrang hirap din patulugin. Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Hindi rin ako natutulog sa tanghali. At alam ko, marami rin sa bawat pamilya ang may mga batang ayaw matulog sa tanghali.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ayaw matulog ng mga bata sa ganoong oras. Kung tutuusin katatapos lamang niyan kumain at inaasahan na ang taong busog ay dadalawin ng antok. Kaya nga sa eskwelahan at opisina sobrang nakakaantok ang tanghali.
Naalala ko noong nasa hayskul pa ako, natapat ang English subject namin tuwing tanghali. Kaya karamihan sa aming klase ay natutulog, nakakatulog o di kaya ay nagpipigil makatulog. Marami sa amin (kasama ako) ang “masan” at “mapapi”. Masandal tulog. Mapapikit tulog. Walang magawa ang aming teacher (kahit pa siya ay terror) dahil halos buong klase talaga ang inaantok kaya ang oras talaga ang may kasalanan. Madalas ay nagtatawag siya para magising ang diwa namin. Pero madalas ang natatawag ay wala sa tamang ulirat, hindi alam kung ano ang tinatanong dahil tulog, kaya ang gagawin ng iba ituturo na lang ang sasabihin.
Kapuna-puna sa mga opisina, lalo na sa gobyerno, na tuwing lunchtime ay pinapatay ang ilaw at kanya-kanyang tulog ang mga tao. Gigising na lang kapag 1:00pm na. Siguro nga ganun talaga ka nakakaantok ang tanghali.
Subalit sa mga bata, tila walang epekto ang kaantukang dala ng katanghalian. Siguro dahil mainit ang panahon. Siguro dahil masyadong maligalig at magaslaw ang mga bata kaya puro paglalaro ang inaatupag. Siguro dahil may mga hadlang gaya ng telebisyon o computer games. O siguro sadyang nasa sikolohiya na lang talaga ng mga bata na ang pagtulog ay sa gabi lamang.
Nang tanungin ko ang aking 7 taong gulang na pamangkin kung bakit ayaw nilang matulog sa tanghali, ang sagot niya ay dahil mainit daw sa Maynila hindi tulad ng bahay nila sa Bulacan na malamig. Maingay din daw kaya hindi sila makatulog. At dahil natutulog naman daw sila sa gabi kaya okay lang na huwag matulog sa tanghali. Siguro nga tama siya. O baka imbento niya lang ang mga dahilan na yon dahil alam kong hindi rin sila natutulog sa mismong bahay nila tuwing tanghali. Pwersahan din ang pagpapatulog sa kanila doon.
Sabi nga ni Bob Ong:
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
Sana balang araw ay malaman ko ang totoong dahilan kung bakit ayaw ng mga bata matulog sa tanghali.

Tuesday, April 12, 2011
Ang Tunay na Estudyante Lider
1. Abonado.
Dahil handa siyang magwaldas ng sariling pera para sa ikagaganda at ikatatagumpay ng kanyang proyekto o programa. Madalas hindi na naibabalik ang mga inabono niya pero okay lang sa kanya dahil ang mahalaga ay ang kapakanan ng iba.
2. Updated.
Dahil kaakibat ng kanyang social responsibility ang lubos na kamalayan sa mga nangyayari sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang pagiging updated sa national events at issues ay repleksyon ng pagkakaroon ng malalim at malawak na pananaw at kamulatan sa mga bagay na nakaaapekto sa pansariling buhay.
3. Haggard.
Dahil madalas siyang pagod at stressed sa sobrang dami ng kanyang ginagawa at pinagkakaabalahan. Takbo dito. Takbo doon. Magulo ang buhok at pinagpapawisan. Wala siyang pakialam sa kung ano ang itsura niya ang mahalaga matapos ang kanyang ginagawa.
4. Hindi GC.
Dahil para sa kanya hindi sukatan ng totoong talino ang grado. Mabigat ang responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga balikat. Madalas nasasakripisyo ang kanyang pag-aaral subalit isa siya sa magagaling sa klase kung mabibigyan lamang ng sapat na panahon, pagkakataon at konsiderasyon upang makabawi sa mga pagkukulang niya.
5. Obsessive-Compulsive.
Dahil ayaw niya sa salitang "puwede na" at mga gawang hindi pulido at hindi pinag-isipan. Matalas ang kanyang mga mata hanggang sa pinakamaliliit na detalye. Siya ay magaling na kritiko. Parati niyang pinauulit ang isang bagay hanggang sa ito ay maging perpekto.
6. May Pinipiling Side.
Dahil alam niyang lahat ng gumigitna ay nasasagasaan at sa lahat ng isyu dapat may pinaninindigan at pinapaniwalaan. Oo o hindi lang, walang depende. Madalas kinakalaban niya ang mga popular na pananaw. Siya ang palaging humihindi kahit ang karamihan ay oo sapagkat alam niyang hindi nakikita sa bilang ang katotohanan.
7. May Ulcer.
Dahil madalas siyang nalilipasan ng gutom sa sobrang dami ng kanyang ginagawa at pinupuntahan. Madalas kapag niyayaya siyang kumain ang sasabihin niya ay mamaya na lang hanggang sa nakakalimutan na niya. Patikim-tikim at painum-inom na lang sa kanyang mga kasamahan habang tinatapos ang kanyang ginagawa.
8. Bibo.
Dahil kailangan niya ng common sense, matabang utak, kritikong pananaw, mataas na IQ at nag-uumapaw na energy sa mga desisyon at bagay na kanyang ginagawa. Ang magaling na estudyante lider palaging aktibo sa pagvovolunteer, palaging nagtatanong, at palaging nagkokomento lalo na sa mga meeting at seminar.
9. Makapal ang Mukha.
Dahil iba-ibang klase ng tao ang kanyang hinaharap, kinakausap at pinakikitunguhan. Walang mapapala ang isang estudyante lider na mahiyain at nerbiyoso. kasing tibay ng kanyang mukha ang kanyang sikmura sa mga hindi magagandang bagay na sinasabi sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid.
10. Mabilis Magtrabaho.
Dahil mahalaga sa kanya ang bawat oras at may schedule siyang sinusundan. Madalas natatapos niya ang isang gawain bago pa man ang deadline. Kasing bilis ng kanyang pagtatrabaho ang paggalaw ng kanyang brain cells sa mga bagay na kailangang pagdesisyunan.
11. Karismatiko.
Dahil kailangan niya ito sa pagpapasunod ng mga tao. Makatutulong din ito sa pagkuha ng mga pabor o bagay na kailangan niya. Madalas ginagamit ang ganda ng personalidad at maging ang alindog sa mga panahong kailangang kailangan nang hindi nagmumukhang cheap o mababa.
12. Pudpod ang Sapatos.
Dahil marami siyang pinupuntahang lugar. Maraming taong kailangan niyang makausap. Madalas excuse siya sa klase dahil sa mga meeting, seminar, forum, training at mga aktibidad na nangangailangan ng kanyang presensiya. Kasing bilis na kanyang pag-iisip ang kanyang paglalakad.
13. Late.
Dahil siya ang pinakahuling pumapasok sa room. Papasok lang siya kapag may propesor na. Kapag wala pa, may iba siyang pagkakaabalahan o pupuntahan. Kahit nga nagkaklase madalas siyang pumupuslit para pumunta sa ganito o ganoong lugar. Pagkatapos ng klase, siya naman ang pinakaunang lumalabas at patakbo pa ang kanyang paglalakad.
14. Madalas Single.
Dahil no time for love siya. Alam niya ang kanyang priority. Kung mayroon man siyang karelasyon madalas nauuwi sa hiwalayan dahil wala na siyang panahon para dito o di kaya kapwa estudyante lider din ang kanyang partner.
15. Artista.
Dahil may mga emosyong dapat sinasarili na lang, may mga taong dapat pakisamahan nang maayos gaano man ka hindi gusto at may mga karakter na di dapat ipinapakita sa publiko. Sapagkat mahalaga ang impresyong nakikita ng tao, kailangan itong pangalagaan.
16. Ma-PR.
Dahil kailangan niyang matutunan ang tamang paglalaro ng mga salita, interes at emosyon ng tao upang epektibong mahikayat ang mga ito sa mga bagay na gusto niyang mangyari. Kailangang may sense of humor siya at madaling lapitan. Inilalagay niya sa tamang lugar ang pagiging seryoso.
17. Mabilis Magreply.
Dahil palagi niyang hawak ang kanyang cellphone sa sobrang dami ng kanyang kailangang makausap. Madalas napupunta sa load ang kanyang pera. Siya ang tanungan kung may pasok o wala, saang room, anong oras klase, at sa samu't saring mga bagay-bagay.
18. Kuripot.
Dahil alam niya kung paano pahalagahan ang bawat singkong ibinabayad ng estudyante. Gusto niyang mapunta ang kaban sa tama at wastong pagkakagastusan. Mahigpit siya sa pag-aapruba ng budget proposals maging sa paglalabas ng pera. Galit siya sa mga magnanakaw.
19. Aktibista.
Dahil alam niya kung kailan susunod o tututol. Wala siyang kinatatakutan dahil alam niya kung ano ang tama at kung saan siya lulugar. Hindi siya nananahimik sa tuwing may karapatang naaapakan dahil para sa kanya ang pananahimik ay repleksyon ng pagpapa-ubaya. Handa niyang dalhin ang pakikibaka sa lansangan kung kinakailangan.
20. Role Model.
Dahil sinisimulan niya sa kanyang sarili ang mga pagbabagong gusto niyang makita sa mundo sa pamamagitan ng pagiging responsable at disiplinado at pagkakaroon ng walang dungis na kredibilidad, solidong integridad at kahanga-hangang karakter.

CONDEMN THE ACT, NOT THE PERSON.
Enough of the Willie Revillame and Jan-jan issue.
Masyado ng nakakaumay at nakakaalibadbad ang paulit-ulit na pagbabalita, pag-uungkat at pagpapalaki sa isyu ng March 12 Willing Willie episode. Bagamat isa ako sa mga pinakaunang kumondena sa nasabing pangyayari, naniniwala ako na hindi dapat pinalaki at ginatungan ang isyung ito.
Huwag tayong magbulag-bulagan sa katotohanang masyadong pinulitika si Willie at ang kanyang show para tuluyang mawala sa ere. Alam naman natin ang alitan sa pagitan niya at ng Kapamilya network na umabot hanggang sa korte. Gayundin ang sama ng loob ng Pamilya Aquino sa kanya dahil sa kanyang mga sinabi noon sa Wowowee sa araw ng kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino. Maging ang pangangampanya niya para kay Manny Villar noong May 2010 Presidential Elections. Masasabi kong there’s so much politics behind this undying controversy.
Maling-mali ang nangyari subalit bakit kailangang humantong sa paggawa ng fan pages na kinokondena o lantarang sinisira ang pagkatao ni Willie. Maging ang mga sponsor ng kanyang show ay nagsipagpull-out din ng sponsorship. Sino ba ang apektado dito? Si Willie ba? O ang mga mahihirap na nabibigyan ng tulong ng kanyang programa?
Sana ay gumawa din ng hate pages laban kay Rosanna Roces noong sabihin niya sa Showtime na dapat murahin ang mga teacher. O kaya kay Joey de Leon na nagsabing mukhang aswang si Pokwang. Ano ang pagkakaiba ng tatlo samantalang pare-pareho nilang sinasaklaw at pinapakita ang pang-aabuso sa dignidad ng isang tao?
Naniniwala ako na pakikisawsaw na lang ang ginagawang pagtitweet ng mga artista at ang pagpapapress release ng iba’t ibang sektor para lang maibalita, mainterview at mapag-usapan sila. Ano ba ang mga naitutulong nila para sa mga mahihirap?
Kung totoong gusto nilang maging maayos ang lahat dapat ang nangyari ang kinokondena, hindi ang mga tao. Sabi nga sa Orosa-Nakpil, Malate hate ni teacher Claire ang cheating pero hindi ang cheaters. Kung tutuusin ay malaki rin naman ang pananagutan ng tatay at tiyahin ni Jan-jan na siyang mismong nagturo ng sayaw sa bata. Subalit maliwanag pa sa sikat ng araw na lahat ng sisi ay napunta kay Willie.
Hindi ako maka-Willie. Ang sa akin lang, sa mga nangyari ay pinapalabas ng lipunan na sukdulan ang kasamaan ni Willie. Hindi man lang naisip ng lahat na hindi siya perpektong tao at kahit papaano ay mabuting tao rin naman siya. Marami na siyang natulungan at napasaya magmula pa noong Magandang Tanghali Bayan, Wowowee, Willingly yours at iba pa niyang mga naging programa.
Sana maging bukas ang isip ng lahat at hindi lang negatibong panig ang tingnan at paniwalaan. Magsilbing aral ang mga nangyari subalit huwag gamitin sa pamumulitika. Kung patuloy nating huhusgahan si Willie, ano na lang ang ipinagkaiba natin sa mga maling ginawa niya?

Ang Tunay na Lalaki
1. Kilala ang sarili.
2. Responsable sa lahat ng bagay.
3. May isang salita.
4. Marunong magparaya.
5. May paninindigan.
6. Hindi nabibili ang prinsipyo.
7. Ginagamit ang utak bago ang kamao.
8. Marunong tumanggap ng pagkakamali.
9. May respeto sa lahat ng uri ng tao.
10. Hindi tinatakasan ang problema.
11. Marunong tumanggap ng pagkatalo.
12. Hindi nahihiyang umiyak sa publiko.
13. Faithful sa kanyang partner.
14. Marunong tumayong ina sa mga anak.
15. Kayang lumaban sa tukso.
16. Hindi nananakit ng babae.
17. Marunong magmahal at magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.

Saturday, April 9, 2011
Things I hate Seeing in Facebook
1. Mga photos na kuha sa loob ng comfort room. Of all places yon pa. Karamihan ng profile pics ganun. Sorry but I find the picture cheap. And the person cheaper.
2. Tags sa bahay, trabaho, gadgets, damit, jewelries, etc. Yes its business pero sana ilagay sa tamang lugar.
3. Mobile number na pinopost sa info o wall. Very vulnerable. Parang pinagsisigawan na ito ang number ko and I need textmates and flings.
4. Mga 24/7 na post tungkol sa nangyayari sa buhay - pati pagkain, pagligo, pagbili, pagtulog etc. - kulang na lang pati paghinga at pagtibok ng puso ipost.
5. Palengkera at asal kalyeng pang-aaway at pagpaparinig. Wala man lang sense of decency at poise. Ayaw naman magname drop.
6. Tags sa photos at notes na wala ka namang kinalaman.
7. Malalaswang profile pics - pinapakita ang abs, brief, dibdib. Again, so cheap. Daig pa ang posers.
8. Nagpopost hindi para mag-express kundi para magpa-impress. Kayo na, kayo na mayaman.
9. Mga “its complicated” na relationship status. Utang na loob.
10. Posers.

Ang Sapatos ni Sarah
Pagkatapos kong mapanood ang kwento nina Sarah, Abigail at teacher Allan sa BRIGADA, may guilt akong naramdaman sa aking sarili. Mas masuwerte pa pala ako kaysa sa milyon-milyong kabataang Pilipino. Marami pa lang bagay na dapat kong ipagpasalamat noong nag-aaral pa ako sa elementarya, high school at hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo. Mga bagay na hindi ko noon napapansin at madalas ko na lang ipinagwawalang bahala. Mga bagay na iniisip kong simple, maliliit at walang gaanong halaga.
Si Sarah ang valedictorian sa Yugno Elementary School sa San Andres, Quezon. Labing dalawa lamang silang nagtapos sa isang eskwelahan na may 88 mag-aaral lamang at dating kuta ng mga rebelde. Sa loob ng 6 na taon gasera lamang ang gamit ni Sarah sa pag-aaral dahil hindi pa naaabot ng kuryente ang kanilang komunidad. At sa loob din ng 6 na taong iyon ng kanyang pag-aaral ay nilalakad lamang niya sa loob ng 2 oras ang matarik, maputik, malubak, mabato at madulas na daan patungong eskwelahan. Pangarap niyang maging guro para makatulong sa mga kabataan sa kanilang lugar. Repleksyon marahil ng mga karanasan niya sa pag-aaral kaya ito ang napili niyang maging propesyon sa hinaharap.
Si Abigail ang loyalty awardee sa kanilang klase. Tatlong bundok ang kanyang dinaraanan araw-araw papuntang eskwelahan. Tatlong beses ang hirap na kanyang dinaranas kumpara kay Sarah. Nang tanungin siya ni Theresa Andrada kung ano ang natutunan niya sa eskwelahan at kung bakit ganoon na lamang kanyang pagpupursige sa pag-aaral ang kanyang sagot ay para sa pagkamit ng kanyang mga pangarap.
Si teacher Allan ay halos 3 oras na naglalakad papuntang eskwelahan. Marami na raw siyang co-teacher na nagpalipat sa bayan dahil hindi na kinaya ang araw-araw na paglalakad sa nakakapagod at peligrosong daan. Para sa kanya isang malaking personal na tagumpay ang kanyang pagpiling manatili na maging guro sa Paaralang iyon.
Bigla kong naisip, paano kaya sina Sarah, Abigail at teacher Allan kapag inabutan ng ulan habang papasok sa eskwelahan o kaya kapag inabutan sila ng dilim pabalik sa kanilang mga tahanan. Paano kapag umapaw ang ilog? Paano sila umuuwi gayong walang ilaw sa kanilang mga dinaraanan? Nakatitiyak akong sa mga ganoong sitwasyon tatlong ulit ang panganib at hirap na kanilang dinaranas sa paglalakad sa daang pinagkaitan ng pamahalaan ng maayos na kalsada. Marahil tama nga ang konklusyong kaya 12 lamang ang nakapagtapos sa klase nila Sarah ay dahil sumuko ang karamihan ng kabataan dahil sa hirap ng buhay at sa tindi ng sakripisyo para maabot ang edukasyon na kanilang kailangan. Edukasyong hindi sapat, hindi kayang abutin, hindi kayang makamtan, lalo na ng mga pamilyang pagkain pa lang sa hapag hirap nang makamit, pag-aaral pa kaya.
Ngayon ay napagbaliktanaw ko na noong nasa elementarya pa lang ako ay naihahatid pa kami ng kotse, noong high school isang tumbling ko lang gate na ng eskwelahan at noong college ay maraming jeep at taxi na pwedeng masakyan. Kumpleto ako ng gamit, branded ang aking bag at sapatos, maayos ang uniform, may cellphone at laptop, nakakasama sa fieldtrip, may pambili ng mamahaling libro, at may access sa mga bagay na kailangan sa maayos at may kalidad na pag-aaral. Samantalang sina Sarah at Abigail ni kuryente hindi pa nakakaranas. Ilang Sarah at Abigail sa Pilipinas ang ni hindi nga siguro nakakaalam o nakakakita sa mga bagay na nabanggit ko. Mga bagay na tila hanggang sa pangarap na lang nila makikita at mahahawakan.
Bagamat lumaki ako sa hirap, hindi katulad ng kahirapang dinaranas ng mga kabataan sa Yugno at sa iba pang lugar sa bansa na hindi pa nararating ng sibilisasyon. Ang masaklap pa rito, sa mga mumunting kaginhawaan na natamasa ko sa mga taon ng aking pag-aaral ay hindi man lang ako nakakapagpasalamat sa Poong Maykapal. Madalas pa akong nagrereklamo sa mga bagay na mayroon ako at naghahanap sa mga bagay na hindi naman gaanong mahalaga. Yon pala may ibang mga tao na ang bawat maliliit na bagay na aking winawalang bahala ay siyang mga bagay na pinakainaasam nila. Naalala ko tuloy ang kasabihan tungkol sa taong hindi nakuntento sa kanyang sapatos hanggang sa makakita siya ng taong walang paa.
Kung paghahambingin kami ni Sarah noong nasa elementarya pa ako, hindi hamak na mas nakaaangat ang aking kasanayan at talino dala ng moderno at mataas na antas ng edukasyon na naibibigay sa akin noon. Subalit kung determinasyon at pagsisiskap ang magiging sukatan ng tagumpay wala pa ako sa kalahati ng mga napatunayan nina Sarah at Abigail sa kanilang mga sarili. Milya-milya ang agwat nila sa akin. Nahihiya tuloy ako sa aking sarili. Wala pala akong dapat ipagmalaki dahil ang bawat tagumpay ko sa buhay estudyante ay madali kong nakamit kumpara sa dalawa.
Sapatos ang regalo kay Sarah ng kanyang tatay para sa kanyang pagtatapos. Hindi magtatagal mapupudpod din ito sa pag-akyat baba niya sa bundok. Mapuputikan ang sapatos at maluluma agad hanggang sa tuluyang masira habang binabagtas niya ang malubak, maputik at mabatong daan ng kahirapan at korapsyon. Kailan kaya makakalakad sina Sarah, Abigail at teacher Allan sa sinasabing matuwid na daan ni Pangulong Aquino?

Thursday, April 7, 2011
50 Things I Learned in School.
1. Hindi lahat ng honor student matalino, ang iba nadadaan sa sipag, favoritism at sipsip na magulang.
2. Ang teacher may karapatang ma-late, ang estudyante wala.
3. Kung may teacher’s pet, definitely, may teacher’s enemy. Madalas sila lang ang natatandaan ng teacher pagkatapos grumaduate.
4. Madaling makakuha ng uno, mahirap magkasingko. Sino ba kasi ang gustong bumagsak?
5. May mga teacher na genius level ang IQ o may Ph.d, pero hirap ipaunawa ang lessons sa estudyante.
6. Karamihan sa mga estudyante nag-aaral para pumasa at makatapos, hindi para matuto. Nagiging motivation ang takot na bumagsak para mag-aral nang mabuti.
7. Hindi lahat ng nangongopya bobo. Minsan nakakatamad lang talaga mag-aral.
8. Iba ang ignorante sa illiterate. Mas kauna-unawa at katanggap-tanggap ang huli.
9. 25% lang ng content ng textbook ang pag-aaralan. Sayang ang perang pinambili. Bawal sa batas ang pagpapaphotocopy ng isang libro. Intellectual property daw.
10. May mga teacher na nagrerequire bumili ng textbook. Ang hindi bumili mababa ang grade, babagsak o kaya hindi makakapag-exam. Sila kasi ang author.
11. Ang mga Catholic School ang madalas na nagpapakita ng diskriminasyon laban sa estudyante. Hindi tinatanggap ang estudyanteng hindi kasal ang magulang.
12. Hindi lahat ng nakasulat sa libro o sinasabi ng teacher ay tama.
13. May mga teacher na binabasa lang ang libro, notes o kaya powerpoint kapag nagtuturo. Ang tawag diyan BEST IN READING o kaya READING CLASS.
14. Ang eskwelahan ang isa sa mga lugar na nagpapakita ng kawalan ng disiplina - sa pagtatapon ng basura, paggamit ng comfort room, sa pagsira ng gamit, sa kaingayan. How ironic.
15. Memorization ang pinakamababang uri ng pagkatuto.
16. The higher your education, the greater is your social responsibility.
17. Teaching ang noblest profession pero ito rin ang pinakahindi well-compensated na trabaho sa mundo. 18. Walang taong bobo, tamad meron.
19. Maraming grumagraduate na hindi man lang alam ang kanilang school hymn at hindi man lang nakakapasok ng library.
20. Mas magaling ang mga estudyante sa public school. Iba ang magaling sa matalino.
21. Hindi lahat ng nakasalamin at magaling magsalita ng Ingles ay matalino. Ang iba dinadaan sa diction at accent.
22. Karamihan sa mga tinuturo sa college ay repetition lang ng tinuturo sa high school. Dinadagdagan lang at iniiba ng terminology.
23. Math ang pinaka-hate na subject ng mga estudyante. Guards ang pinaka-hate nilang school personnel.
24. 25% lang ng tinuturo sa eskwelahan ang nagagamit sa pang-araw-araw na buhay.
25. Sa grading system, pinakamaliit na porsyento ang ibinibigay sa attitude/behavior, samantalang ito ang humuhubog sa pagkatao ng isang bata, ang siyang magiging basehan kung magtatagumpay siya o hindi.
26. Mayroon at mayroong estudyanteng tatatak sa isang teacher at may teacher na tatatak sa isang estudyante.
27. Hindi pinagtutuunan ng pansin ang lower sections. Palibhasa ang higher sections ang laging ginagamit sa demo.
28. Recess ang favorite period.
29. May mga school na environmentally interactive. Sa ilalim ng puno naglelesson dahil kinorakot ng gobyerno o pulitiko ang pampaggawa ng classrooms.
30. Tinuturo sa public school ang pagtitipid. 5 estudyante sa isang libro.
31. Binibigyan ng grade ang notebook. Mataas ang grade kapag maganda ang penmanship.
32. Teaching is not just a profession. It is a vocation.
33. Maraming estudyante ang may pampa-load. Pambili ng papel wala.
34. Treasurer ang pinakamahirap na posisyon sa class officers. Mayaman ang laging naeelect.
35. Ang mga school bully at black sheep kadalasan may problema sa pamilya.
36. Unang training ground for corruption ang tahanan. Ikalawa ang eskwelahan.
37. Mga nakakapagpahigh blood sa teacher - ingay, cheating, pangit na penmanship.
38. Hindi nawawala ang "labeling" o "branding" sa bawat klase - nerds, geeks, clowns, stars, varsities, etc.
39. Palaging may gay sa bawat klase.
40. Numero unong kasiyahan ng isang estudyante - kapag may bagyo.
41. Hindi nagbibigay ng grade na 74 ang isang teacher. Ipapasa at ipapasa yon.
42. Maraming hindi nakakagraduate dahil sa ROTC, PE at thesis.
43. Binibili ang pagtatapos at diploma. Kasi may graduation fee.
44. Maraming nabubuntis ilang weeks pagkatapos ng JS Prom.
45. For formality lang ang entrance exams sa private school.
46. Maraming tanong sa exams na hindi naman talaga tinuro ng teacher.
47. Sinususpend ang pasok kung kelan baha na.
48. Kinakamot ang ulo kapag mahirap ang exam o recitation.
49. Without teachers we are all nothing.
50. Grades aren't everything.

Subscribe to:
Posts (Atom)