MRT. Bus. Jeep. Mall. Classroom. Office. Bar. Kahit saan ka
yata pumunta, makakakita ka ng isa o grupo ng mga lalake na matitigilan
at mamamangha sa presence ng isang babae (minsan ex-lalake) na may
malaking boobs o magandang hugis ng pwet. May mambabastos, may
mapapangiti, may mapapatitig, at ang karamihan ay gagamit ng kanilang
“pornographic memory” para magamit pag-uwi sa bahay.
May isa akong nakilalang babae na malaki yung boobs, 36C.
Naiinis siya kasi lahat ng kausap niyang lalaki hindi maka-maintain ng
eye-to-eye contact. Isa na ako dun sa mga lalaking yon. Dati naman
kasama ko yung girlfriend ko. Nag-away kami dahil hindi ko namalayan na
nasundan ko pala ng tingin yung isang babaeng mala-Jennifer Lopez ang
likod. At nang minsang nakasakay ako sa bus at walang maupuan, hindi ko
mapigil lingunin nang lingunin ang cleavage nung isang nakaupo.
Dito ako napatigil at napaisip. Manyak ba ako?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig tumingin ang lalaki
sa boobs at pwet ng babae? Tsaka bakit halos lahat ng lalaki, hindi
lang ako? Bakit madaming nagpapalaki ng boobs para mapansin lang? Bakit
prerequisite ang hugis ng katawan para masabi mong maganda talaga ang
isang babae?
Sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito, sinubukan
kong mag-search sa Google. Maniwala kayo sa akin, mahirap maghanap ng
kasagutan sa tanong na “Why men love looking at big breasts” sa
internet. Hindi kasagutan ang ibibigay sa yo kundi mga links sa porn
sites. Buti na lang may kakilala ako na nagsabi sa kin na tumingin sa
“evolutionary psychology”. Evolution as in Darwin, Psychology as in
Freud.
Ayon sa mga sites at forums na nagdi-discuss ng evolutionary
psychology, iisa lang ang direction ng evolution. Ito ay ang
pag-maximize ng chances sa survival. Ang lalaki ay pipili ng babae na
makakapag-ensure ng survival ng kanyang offspring, at ang babae naman
ay pipili ng lalake na makakapagbigay ng magandang genes.
Hindi na ako nagtataka kung bakit ang mga babae ngayon ay
tumitingin agad sa CAR-acter at sa PESO-nality ng lalaki. Ito ay rooted
sa mga ninuno natin na ang pinakamagaling na lalaki sa isang tribe ay
ang pinakamaraming maiuuwing game mula sa hunting nila. Natural na sa
babae ang maghanap ng isang “provider”.
Gayun din na ang fixation ng lalaki sa malalaking boobs ay
rooted daw sa idea na ang mga ito ay makakapagbigay ng “nourishment and
sustenance”. Kapag malaki ang boobs, mas malaki ang chances ng
survival ng offspring. Ang pagtingin naman sa pwet ay natatagpuan din
sa ating mga kapatid na primates, specifically ang mga chimpanzees, na
kung saan pag “available for sex” ang isang babaeng chimp, inilalapit
nya ang kanyang pwet sa head monkey para lamas-lamasin, kurut-kurutin,
at amuy-amuyin. Pag nagustuhan ito ng alpha male monkey, doon sila
magse-sex. Nakakatawa kung iisipin, pero ang pagtingin ko pala sa boobs
at pwet ay bahagi lang ng aking nature as a male. Ika nga ng tatay ni
Jim sa American Pie, “it’s a perfectly natural thing”. Kung totoo ito,
bakit masama ang tumingin? Tingin lang naman e. Walang hawak, walang
hipo. Tingin lang.
Siguro nga, kultura lang ang nagpabago ng perspective natin sa
natural urge na ito. Dahil sa relihiyon, ang pagtingin sa katawan ng
babae ay nilagyan ng label na “pagnanasa”. Dahil sa media, ang mga
artistang babae na maganda ang boobs at pwet ay tinatakan na “sex
symbol” o “pantasya ng bayan”. At dahil sa marketing, ang liposuction,
breast enhancement, at kung anu-ano pang retoke sa katawan ay ginagawa
“to enhance the self confidence of a woman”. Ang mga revealing na bra,
ang mga push-up bra, ang mga binebenta sa TV na breast creams, yung
cycling shirts na nage-enhance ng butt cheeks, ay tinatatakan na
“personality enhancement apparel/tools”.
At shempre, ang mga lalaking katulad ko na tumitingin lang ay tinatatakan na “manyak”.
Source: Chicken Sopas for My Soul by Tabachoi (August 9, 2004)
No comments:
Post a Comment