- Hindi kinagat ni Eba at Adan ang mansanas. (Wala tayong minanang kasalanan?)
- Nakatakas si Jose Rizal sa Fort Santiago. (Hindi siya ang national hero natin ngayon at hindi sisiklab ang rebolusyon?)
- Hindi bumalik si Douglas McArthur. (Colony na tayo ng Japan?)
- Lumubog ang Arko ni Noah. (Wala ng humanity?)
- Hindi dinaya sa Presidential election si Mirriam Santiago. (Wala ng korapsyon sa bansa?)
- Nabuhay ang anak ni Rizal. (Pwede siyang maging presidente ng Pilipinas?)
- Hindi bumaba sa pwesto si Erap Estrada. (Hindi tayo magdurusa kay GMA?)
- Nakaligtas sa assasination si Ninoy Aquino. (Naging presidente natin siya?)
- Hindi pinatay si Andres Bonifacio. (Siya ang presidente ng Unang Republika?)
- Nanalo ang “yes vote” sa impeachment trial ni Erap. (Walang People Power II?)
- Hindi namatay si Fernando Poe Jr. (Tatakbo ulet siya sa 2010 Elections at tatalunin niya si PNoy?)
- Nabigo ang People Power I. (Martial law pa rin?)
- Hindi pinako sa krus si Jesus Christ. (Walang Kristiyanismo?)
- Buhay pa si Rico Yan hanggang ngayon. (Siya ang biggest star ng ABS-CBN ngayon?)
- Hindi natapilok si Mirriam Quimbao. (Hindi siya magiging judges favorite at di siya mananalo?)
- Nabigo ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan. (Walang Kristiyanismo sa Pilipinas?)
- Hindi binomba ang Pearl Harbor. (Walang World War II?)
- Walang malaking utang panlabas ang Pilipinas. (Maunlad na tayo?)
- Hindi nilabanan ni Cory Aquino si Marcos sa pagkapresidente. (Tuloy ang paglabag sa karapatang pantao?)
- Si Marcos pa rin ang presidente ngayon. (Lalo tayong lumubog sa utang?)
- Hindi isinuko ang Corregidor at Bataan. (Tumagal ang digmaan?)
- Natalo ni Erap si Noynoy sa 2010 Presidential Elections. (Magiging pinakabobong nation tayo sa mundo?)
- Hindi tayo nasakop ng mga Espanyol sa loob ng 333 years. (Hindi tayo konserbatibong mga tao?)
- Ginagamit ang Bataan Nuclear Power Plant sa ngayon. (Bawas utang sa World Bank, IMF, ADB etc.?)
- Hindi naisulat ang Bibliya at Koran. (Wala tayong relihiyon?)
- Napatay si Emilio Aguinaldo. (Hindi maitatatag ang Unang Republika?)
- Hindi nailimbag ang Noli Me Tangere. (Hindi sumiklab ang rebolusyon?)
- May anak talaga si Jesus kay Mary Magdalene. (Mababago ang kultura at pananaw ng Kristiyanismo?)
- Walang Islam sa Pilipinas. (Walang giyera sa Mindanao?)
- Hindi nadiskubre ang paggamit ng kuryente at fossil fuels. (Nasa panahon pa rin tayo ng Bato?)
Tuesday, May 1, 2012
Mga PAANO KUNG sa Kasaysayan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment