Tuesday, May 1, 2012

Palakihan

by Sairah M. Rivera

 Sa bawat araw na lumilipas iba’t ibang mukha at iba’t ibang pagkatao ang aking nakakasalamuha. May mga kaaya-aya sa paningin at mayroon din namang kabaliktaran. May mga bigay na bigay sa kanilang porma, mayroon din naming halos walang pakialam. Sa bawat tao na aking nakakasalamuha hindi maaaring wala akong mapupuna sa kanya, maganda man ito o pangit.  Hindi ko alam pero masyado lang sigurong matalas ang aking mga mata na maski ang mga maliliit na detalye sa mga taong nakakasalubong ko lang naman ay aking napapansin.

Wiwit! Aba may seksi na daraan.

Sa panahon ngayon masyado ng probokatibo ang kasuotan ng mga kabataan, lalo na ang mga kababihan. Mga kababaihan na noong panahon ni Maria Clara ay hanggang talampakan kung manamit. Maswerte na nga ang isang binata kung makikita nito ang kanyang sakong. Subalit ngayon, paiksian na ang labanan. Talamak na rin ang mga kababaihang mahilig magdagdag sa kanilang kakulangan o minsan pa nga kahit sobra na, dinaragdagan pa rin ito. Hindi na nakuntento sa kung ano mang ipinagkaloob sa kanila.

May mga kababaihan na pilit dinaragdan ang kanilang dibdib.  Hindi sila kuntento sa orihinal dahil mas maganda raw kung cup C, at dahil sa kapos sa badyet dinaraan nalang ito sabraBra na ‘sang katutak na foam ang palaman. Sa laki na ba ng dibdib nasusukat ang kagandahan o kaseksihan ng isang babae? Palakihan na nga ba talaga ang labanan?

Ayon sa karamihan nakapagpapa-ganda ito ng tingin sa kanilang sarili kahit ito ay isang ilusyon lamang. Mas nakaka-akit daw itong tingnan. ‘Yung tipong ‘pag daraan ka sa kalsada, lahat ng mata ay nakatingin sa’yo at sa iyong dibdib de foam. Agaw atensyon, lalo na sa mga kalalakihan, ang mga seksing babae. Lalung-lalo na kung ang iyong dibdib ay pinagpala – peke man o hindi. Susundan ka pa ng tingin hanggang sa hindi ka na matanaw. Ito marahil ang habol ng karamihan, ang makabighani ng kalalakihan. Oo, marahil minsan maganda sa pakiramdam ang hinahangaan ng mga kalalakihan subalit minsan sa mga ganitong paghanga nagsisimula ang kapahamakan.

Isang dalaga ang naglalakad mag-isa sa madilim na eskinita nang biglang…

Ang rape ay isang krimen na talamak sa bansa. Sa katunayan, noong taong 2009 3,159 na ang nabiktima ng rape sa bansa. Ito ay tumaas ng 22% mula sa 2,585 noong taong 2008 ayon sa People’s Recovery Empowerment Development Assistance Foundation o PREDA. Ipinapakita lang nito kung gaano katas ang kaso ng rape sa bansa. Oo, hindi nga lahat sa mga naitalang kaso na ito ay dahil sa pag-gamit ng napaka kapal na foam sa brasubalit ilan sa bilang na yan ang naging dahilan ito?

Hindi lahat ng tao sa mundong ibabaw ay pinangungunahan ng kanilang konsensya. Ang malas mo kung ang mga matang sumusunod sa iyo sa iyong paghahanap ng atensyon ay isa sa kanila.

No comments:

Post a Comment