Patay na si Osama bin Laden subalit
mananatili ang terorismo sa mundo hangga’t may mga grupo ng taong
pinagkakaitan ng karapatan, nilulugmok sa kahirapan, hindi pinakikinggan
at hindi kinikilala sa lipunan.
Sa aking palagay, malalim at malawak ang ugat ng terorismo. At, may substansiya ang pinaglalaban ng mga taong nasa likod nito. Naniniwala ako na dakila ang kanilang hangarin, mali at baluktot nga lang ang kanilang ideolohiya at pamamaraan. Subalit, hindi ko sila masisi kung bakit pagkakalat ng takot at pangamba ang kanilang ginagawa at hindi mapayapa at diplomatikong pakikipag-usap. Masyado kasing nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang gobyerno sa mga pangangailangan ng demarginalized na sektor ng lipunan.
Gawin nating halimbawa ang Mindanao. Bakit ba hindi matigil-tigil ang digmaan dito?Bakit tila suportado pa ng mga mamamayan ang mga fundamentalist groups?
Simple lang:
Matagal ng inabandona ng pag-asa ang Mindanao. Lugmuk na lugmok ito sa kumunoy ng kahirapan. Ang gusto lang naman ng mga tao dito ay magkaroon ng kuryente ang bawat bahay, malinis na tubig, sapat na hanapbuhay, maayos na kalsada at tulay, disenteng mga ospital at paaralan, sapat na bilang ng mga guro, nars at doktor, at iba pang serbisyong panlipunan.
Kaya may mga bombang sumasabog at mga pangingidnap, dahil humihingi ng atensiyon ang lupang matagal ng dinidedma ng gobyerno. Mga mamamayang ang tanging nais lang ay makapamuhay ng maayos at marangal.
Hangga’t mahirap ang Mindanao, walang tigil putukan. Hangga’t may namamatay dahil sa gutom, kahit ilang milyong bala, granada at bomba ang ipaulan sa Mindanao para patayin at pasukuin ang mga rebelde, hindi ito magtatagumpay. Mananatili ang terorismo. Ipamamana sa mga anakpawis ang sama ng loob ng kanilang mga magulang sa gobyerno. At sila ang magpapatuloy ng laban na sinimulan ng kanilang mga ninuno.
Kailangang sugpuin ang pinakaugat ng terorismo: ang KAHIRAPAN.

No comments:
Post a Comment