Dapat ibalik sa Pilipinas ang death
penalty subalit hindi lamang sa mga nakagagawa ng matitinding krimen
gaya ng pagpatay at pang-aabusong sekswal kundi maging sa mga korap sa
gobyerno. Maraming namamatay dahil sa kahirapan ng buhay at iyon ay
dahil sa korapsiyon.. Kung hindi ninanakaw ang pera ng gobyerno maraming
pangunahing pangangailangan ang maibibigay.
- Kung walang korapsiyon, milyong buhay ang maililigtas dahil may sapat na programa sa kalusugan, may health centers sa bawat barangay, may maayos na ospital at may sapat na suplay ng gamot, nurse at doktor.
- Kung walang korapsiyon, milyong buhay ang maililigtas dahil may maayos na kalsada, tulay at transportasyon kaya mabilis naisusugod sa pagamutan ang mga maysakit.
- Kung walang korapsiyon, milyong buhay ang maililigtas dahil may sapat at disenteng hanapbuhay ang mga mamamayan kaya’t walang kakapit sa patalim at lalahok sa maruming hanapbuhay.
- Kung walang korapsiyon, milyong buhay ang maililigtas mula sa gutom, malnutrisyon, pagkakasakit at pagpapatiwakal dahil sa hirap ng buhay.
- Kung walang korapsiyon, milyong pangarap ang matutupad dahil may sapat na kalidad ng libreng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo para sa maralitang kabataan.
- Kung walang korapsiyon, milyong buhay ang magkakaroon ng maayos, maginhawa at disenteng pamumuhay dahil bawat komunidad ay mayroon ng sapat na patubig, kuryente, kalsada, tulay, transportasyon, komunikasyon at iba pa.
- Kung walang korapsiyon, wala ng titira sa ilalim ng tulay, gilid ng ilog at estero, tabi ng riles, at sa mga lugar na hindi kaaya-ayang panirahan.
- Kung walang korapsiyon, milyong tao ang magkakaroon ng dignidad dahil walang maglalako ng sariling laman, walang magtitinda ng laman loob at mga bahagi ng katawan at iba pang nakakababa ng moral na hanapbuhay.
No comments:
Post a Comment