Tuesday, May 1, 2012

When Real Communication Dies

Kasabay ng paglabasan ng iba’t ibang social networking sites - to name a few: friendster, facebook, twitter, multiply, tumblr, plurk, foursquare etc. - ay ang unti-unting pagkasira ng intimacy sa komunikasyon at maging sa personal na relasyon ng mga tao.

Bagamat maraming advantages ang paggamit ng SNS lalo na para sa mabilis at 24/7 na pakikipag-usap (lalo na pag nasa abroad ang kausap), tila may aspeto sa buhay ng mga tao na hindi napupunan. Ang kawalan ng natural at totoong emosyon sa pakikipag-usap.

Gaya ng texting (na isa ring virtual na pakikipag-usap). Iba ang pakiramdam kapag sinabi sa yo ng ng bf/gf mo na “I love you” o kaya “I miss you”, kaysa via sms lang.

Sa loob na lamang ng tahanan kapag nag-uusap ang isang pamilya:
  • Si bunso nagfifacebook sa computer.
  • Si ate nagtitweet gamit ang fone.
  • Si kuya nagtutumblr gamit ang laptop niya.
  • Si nanay nanonood ng telebisyon.
  • Si tatay may katext.
Totoong nag-uusap sila. Pero hindi nakatingin sa isa’t isa. May mga salitang lumalabas sa mga bibig. Naiintindihan ang mga naririnig. Tama ang ginagawang mga pagtugon. Subalit walang eye contact, walang affective connection, walang personal association.

Sa ganitong mga senaryo, nawawala ang sustansiya ng komunikasyon sa isang pamilya. May hidden hunger. Bagamat busog wala namang nutrisyon ang kinakain. Hindi nga nagugutom pero hindi naman tumataba.

No comments:

Post a Comment