Ngayong season tiba-tiba ang mga nanlilimos.
Sa jeep na sinakyan ko, tatlo ang umangkas na bata at nanlimos/namasko. Hindi naman sa pagdadamot pero matagal ko ng iniisip ‘to lalo na sa mga sumasampa sa jeep at bus na mga emisaryo kuno ng ganto at ganyang foundation ng mga homeless, poor, sick at lahat ng kabiguan sa buhay, why don’t these people go to DSWD, PCSO at sa mga mayayamang korporasyon. Bakit hindi sila manlimos o mangaroling sa villages, subdivisions at commercial areas hindi yong sa public utility vehicles na ang mga sakay ay hikaos din sa buhay.
Kung totoong nag-eexist at legitimate ang kanilang mga foundation eh di magsolicit sila sa mga tao, institusyon at enterprises na may kakayahang punan ang kanilang mga pangangailangan nang one time big time. Kesa naman sa barya-barya nilang kinikita sa jeep. Kahit buong taon pa sila mamalimos hindi nila mapapakain at mapag-aaral ang kanilang beneficiaries as what they are claiming.
Nakakabwiset yong ginagamit pa yong Diyos sa hanapbuhay. One time tinawagan ko yong cell number na nandun sa papel. Out-of-service. Tang-ina. Yong sa mga bata naman pag pagkain ang ibigay mo ihahagis pa sa ‘yo pag nakababa na. Tsk tsk tsk.
Sa may bus ang dami ko ng naranasang ganyang modus. Isang araw may aakyat, namatay daw ang kasamahan nila sa pagsaside car, wala daw pampalibing. Bigay ang mga tao. Deadma ako. Next day, may aakyat na naman, namatay daw ang tatay niya, walang pampalibing. Deadma na naman ako. Same place na inakyatan. Same person. Next day ganun na naman. Kamag-anak na naman. Same person na naman. Matandain pa naman ako sa ichura ng tao.
Yong nagbebenta ng dried mangos sa bus. Pampa-enrol lang daw. Kung hindi bibili pwede raw ba magdonate na lang. One time nakaharap ng katapat si Kuya. Maurirat na pasahero. Tanong tanong. Saan ka mag-aaral. Ano kukunin mong kurso. Next year siguraduhin mong mag-aaral ka na ha. Sa loob-loob ko, kuya antagal na yang nagbebenta ng mangga hindi pa rin nakaka-enrol, nakatapos na ko’t lahat ng high school at college, anjan pa din siya.
Sa bus kahapon, si ateng maganda namasko. May xmas design kasi ang sobre niya. Ka-age ko lang. Nagpray-over. Naway pagpalain po kayo ng Poong maykapal blah blah blah. Hindi ako nakikinig sa sinasabi niya aside sa nakaheadset ako. Plastik eh. Ayokong mapa-away kasi madalas akong napapa-away sa ganyan lalo na sa mga batang umaakyat sa jeep. Nag-li-low na lang ako ngayon kasi mga nandudura kapag sinermunan mo.
Ang ipinagtataka ko lang, tuwing pasko lang naglalabasan yang mga volunteer na yan. So pag hindi ber months okay ang finances nila?Kalurks.
It is never wrong to give, but how long will these people cling to such kind of livelihood. Minsan ikaw na yong mahihiya sa pinaggagagawa nila.

No comments:
Post a Comment