Tuesday, May 1, 2012

Mga Makabagong Kasabihan

*Aanhin pa ang damo, kung bangag na ang kabayo.
*Kapag maiksi ang kumot.. mura lang.
*Papunta ka pa lang… cge ingat!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, tumatakas
*Kapag may usok, may mamamatay na lamok.
*Walang matiyagang lalake.. na manligaw sa mukhang binabae.
*Kung walang magpapaloko… hindi tatakbo si gloria arroyo.
*Ang taong mainggitin, panget.
*Behind the clouds, are airplanes.
*Ang sakit ng kalingkingan, dapat ipatingin sa doktor.
*Pag may usok… baka nsa langit kana!
*Magkulang ka na sa magulang… huwag lang magkulang sa tubig habang
    naghihilamos.
*Kapag bukas ang kaban, nakalimutang takpan.
*Kapag ang ilog ay tahimik, walang nagsi-swimming.
*When all else fails… buti nga bhelat!
*Sa larangan ng digmaan.. nakikilala kung sino ang bading.
*An apple a day… makes the fruit vendor rich.
*Pag may usok, mas maganda ang show dahil may special effects.
*Batu-bato sa langit, ang tamaan sana mga kagalit
*Ang taong naglalakad nang mabagal… may paltos.
*Papunta ka pa lang, ako rin, sabay na tayo!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, nasa moon.
*Habang may buhay… txt tayo!
*Kung pukulin ka ng bato.. tinapay ang iganti mo, na may lason!
*Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing,
saka nang maluto’y iba ang kumain.. bwisit na pusa yan.
*Huwag magbilang ng manok, kung duling.
*Better late.. than never txting!
*Kapag maiksi ang kumot… sa baby ipagamit.
*Kapag ang puno mabunga… maraming mapipitas.
*Magkulang ka na sa magulang… huwag lang sa pagiisip!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, may rayuma!
*Ang iyong kakainin, sa kaldero manggagaling.
*Tell me who your friends are… and ill tell you who is cute!=)
*Ang taong naglalakad nang mabagal.. matanda na.
*If you cant beat them… iyak mo nalang.
*Ang iyong kakainin, itatae mo rin.
*Magbiro kana sa lasing.. wag lang sa matsing, di ka magegets non!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, nagtetext.
*Ang taong nagigipit.. lahat ng pwedeng utangan kinukulit.
*Kapag maiksi ang kumot… cute.
*Pag may usok.. kawawa ang may hika!
*Ang taong naglalakad nang mabagal.. bagong tuli.
*Ang taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan… adik sa text.
*Laging nasa huli, ang pinakamatangkad.
*An apple a day… makes efren bata reyes and ronnie alcano cry
  everyday.
*Ang buhay ay parang bato, it’s hard.
*Better late than pregnant.
*Behind the clouds are the other clouds.
*It’s better to cheat than to repeat!
*Do unto others … then run!!!
*Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
*Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
*When all else fails, follow instructions.
*Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki
sa ibang bansa.
*To err is human, to errs is humans.
*Ang taong nagigipit … sa bumbay kumakapit
*Pag may usok … may nag-iihaw
*Ang taong naglalakad nang matulin … may utang.
*No guts, no glory… no ID, no entry.
*Birds of the same feather that prays together … stays together.
*Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
*Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
*Birds of the same feather make a good feather duster.
*Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
*Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
*Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
*Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
*Better late than later.
*Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
*Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
*No man is an island because time is gold.
*Hindi lahat ng kumikinang ay ginto … muta lang yan.
*Kapag ang puno mabunga … mataba ang lupa!
*When it rains … it floods.
*Pagkahaba haba man ng prusisyon … mauubusan din ng kandila.
*Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
*Batu-bato sa langit, ang tamaan … sapul.
*Try and try until you succeed… or else try another.
*Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
*Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
*An apple a day is too expensive.
*An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)
*Ako ang nagsaing … iba ang kumain. Diet ako eh.
*Laging nasa huli… ang pinakamatangkad.
*When the cat is away…, sabihin mo lang, wiss, wiss, wiss, para lumapit.

Sugpuin ang Ugat ng Terorismo

Patay na si Osama bin Laden subalit mananatili ang terorismo sa mundo hangga’t may mga grupo ng taong pinagkakaitan ng karapatan, nilulugmok sa kahirapan, hindi pinakikinggan at hindi kinikilala sa lipunan.

Sa aking palagay, malalim at malawak ang ugat ng terorismo. At, may substansiya ang pinaglalaban ng mga taong nasa likod nito. Naniniwala ako na dakila ang kanilang hangarin, mali at baluktot nga lang ang kanilang ideolohiya at pamamaraan. Subalit, hindi ko sila masisi kung bakit pagkakalat ng takot at pangamba ang kanilang ginagawa at hindi mapayapa at diplomatikong pakikipag-usap. Masyado kasing nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang gobyerno sa mga pangangailangan ng demarginalized na sektor ng lipunan.

Gawin nating halimbawa ang Mindanao. Bakit ba hindi matigil-tigil ang digmaan dito?Bakit tila suportado pa ng mga mamamayan ang mga fundamentalist groups?

Simple lang:

Matagal ng inabandona ng pag-asa ang Mindanao. Lugmuk na lugmok ito sa kumunoy ng kahirapan. Ang gusto lang naman ng mga tao dito ay magkaroon ng kuryente ang bawat bahay, malinis na tubig, sapat na hanapbuhay, maayos na kalsada at tulay, disenteng mga ospital at paaralan, sapat na bilang ng mga guro, nars at doktor, at iba pang serbisyong panlipunan.

Kaya may mga bombang sumasabog at mga pangingidnap, dahil humihingi ng atensiyon ang lupang matagal ng dinidedma ng gobyerno. Mga mamamayang ang tanging nais lang ay makapamuhay ng maayos at marangal.

Hangga’t mahirap ang Mindanao, walang tigil putukan. Hangga’t may namamatay dahil sa gutom, kahit ilang milyong bala, granada at bomba ang ipaulan sa Mindanao para patayin at pasukuin ang mga rebelde, hindi ito magtatagumpay. Mananatili ang terorismo. Ipamamana sa mga anakpawis ang sama ng loob ng kanilang mga magulang sa gobyerno. At sila ang magpapatuloy ng laban na sinimulan ng kanilang mga ninuno.

Kailangang sugpuin ang pinakaugat ng terorismo: ang KAHIRAPAN.

Biyaheng IMPIYERNO

Bilang regular na commuter ng pampublikong sasakyan na tulad ng dyipni, naging bahagi ng aking pang araw-araw na kalbaryo ang mga hindi kanais-nais at hindi katanggap-tanggap na mga karanasan sa loob ng sasakyang itinuturing na bahagi ng buhay at kultura nating mga Pilipino.

Ang ilan sa mga karanasan at obserbasyong ito ay ang mga sumusunod:
  • May grasang kamay ng drayber.
  • Katabing pawisin o may masangsang na amoy.
  • Walang gustong mag-abot ng bayad.
  • Kaskaserong drayber.
  • Hindi pa nakakababa o nakakaupo ay biglang haharurot ng takbo ang dyip.
  • Walang gustong umusog para magbigay ng upuan.
  • Binging drayber o daldal ng daldal sa katabi tuloy lumalagpas sa dapat na bababaan.
  • Nagbibingi-bingihang drayber kapag kinukuha na ang sukli.
  • Mga palusot na naibigay na raw ang sukli kahit hindi pa.
  • Nang-aakusa na hindi ka pa nagbabayad kahit ang totoo tapos na.
  • Mga batang nanglilimos o kaya nagpupunas ng sapatos/paa gamit ang maruming basahan.
  • Lasing na pasahero at makakatulog sa balikat mo.
  • Palilipatin ka ng dyip kapag ikaw na lang ang pasahero.
  • Late ka na pero nagpupuno pa ng pasahero.
  • Drayber na nagpaparinig sa mga hindi pa nagbabayad.
  • Mga bastarda mag-abot ng bayad o sukli, na parang nandidiri sa kamay ng aabutan.
  • Mga mandurukot at holdaper.
  • Snatcher ng cellphone, kwintas o hikaw kapag nakahinto ang dyip.
  • Ayaw magbigay ng discount sa estudyante.
  • Drayber at pasaherong nagtatalo dahil sa sukli.
  • Mga nakabalandrang naglalakihang gamit sa loob ng dyip.
  • Nagsusukang bata. Bumaho ang dyip at natalsikan ang iyong paa.
  • Paparahin ng pulis dahil sa violations tuloy delayed ang byahe.
  • Sobrang traffic dahil may banggaan o sunog.
  • Mga drayber na nakikipagmurahan sa kapwa drayber (madalas sa taxi drayber) dahil sa gitgitan sa kalye.
  • Walang panukli. Ikaw pa ang pagagalitan ng drayber.
  • Walang basurahan.
  • Maingay na makina, mausok na tambutso at maalog na biyahe.
  • Biglaang preno kaya titilapon ang mga pasahero.
  • Nagsisigarilyong drayber.
  • Mga nanghaharang na siga at pulis para mangotong.
  • Mga pasaherong ayaw umayos ng upo, kala mo nasa bahay.
Kung sa loob ng isang napakaliit na pampublikong sasakyan ay napakarami na ng hindi kaaya-ayang mga nagaganap ano pa kaya sa isang komunidad na binubuo rin ng iba’t ibang klase ng tao . Mga taong may magkakaibang estado sa buhay, pananampalataya, antas ng edukasyon, ideolohiya, kultura at paniniwala?

Madalas maraming aksidente ang nangyayari o hindi kaya ay alitang nauuwi sa krimen. Mga bagay na dulot ng kawalan ng disiplina ng parehong drayber, kapwa drayber, pasahero at tagapagpatupad ng batas trapiko.
Madalas ang isang simpleng biyahe ay nagiging biyaheng impiyerno.

SI MARIA CLARANG LIBERATED

May kulay na buhok na nakalugay, mapula at nangingintab na labi, makapal na make-up, prominenteng mga pilikmata, nag-uumpugang mga hikaw, naka-spaghetti straps at miniskirt, tone-toneladang aksesorya sa leeg at kamay, mahahaba at may kulay na mga kuko, mataas at matulis na mga takong.

Ako ang bagong mukha ni Maria Clara.

Kasabay ng paghubad sa mainit at mabigat na baro’t saya at sa pag buyangyang sa aking katawan ay ang pagbabago sa aking kilos, gawi, pananaw at paniniwala sa buhay.

Sa likod ng aking makapal na make-up ay ang tibay ng aking paninindigan na ipaglaban ang aking estado at papel sa lipunan. Hindi na ako nakahawla sa paggawa ng mga gawaing bahay, pag-aalaga ng mga anak at paghihintay sa pag-uwi ng aking asawa. Mayroon na akong karapatang magkaroon ng sapat at pantay na edukasyon.

Sa likod ng aking mapula at makintab na lipstick ay ang pagkakaroon ko na ng boses sa lipunan. Naipahahayag ko na ang aking mga saloobin at pananaw bilang isang babae. Mayroon na akong karapatang humalal at maihalal sa mga matataas na puwesto sa pamahalaan.

Sa likod ng aking naglalakihang mga hikaw ay ang taingang hindi na basta basta nakikinig at sunud-sunuran sa utos at tradisyon ng dominante at patriyarkang kultura. Mayroon na akong kalayaang lumabas sa apat na sulok ng aking tahanan at humawak ng mga gawain sa komunidad. Mayroon na akong karapatang makapamili at magkaroon ng sariling hanapbuhay, propesyon o karera.

Sa likod ng aking may kulay at mahahabang kuko ay ang kamay na handa nang lumaban sa mga pang-aabusong ginagawa sa akin lalo na ng aking asawa at ng mapanghusgang mata ng lipunan. Hindi na ako isang basang sisiw na nananaghoy sa isang sulok at nababalot ng takot. Marunong na akong magtanggol sa aking mga anak, sarili at sa aking mga karapatan bilang isang babae.

Sa likod ng aking maiksi at hapit na mga saplot sa katawan ay ang kalayaang makagalaw nang walang anumang limitasyon at bahid ng pagpapanggap. Naipahahayag ko na ang aking indibidwalidad sa paraang alam at ninanais ko. Mayroon na akong kalayaang ipakita at ipagmalaki kung sino at ano ako.

Sa likod ng aking mataas at matulis na mga takong ay ang kalayaan na tumayo sa aking sariling mga paa. Mayroon na akong pagkakataon na ibahagi ang aking talento, kakayahan at kasanayan bilang isang babae. Nagagawa ko na rin ang mga bagay na dati rati’y pawang kalalakihan lamang ang nakagagawa at pinahihintulutang gumawa.

Ilang daang taon akong inalipin at dinusta ng hunyangong kultura, ipokritong lipunan at bulaang pananampalataya. At sa aking paglaya sa tanikala ng mapanghamak na lipunan ay ang aking transpormasyon mula sa konserbatibo at di makabasag pinggang si Maria Clara tungo sa isang malaya, matapang at naninindigang Pilipina.

Kasabay ng aking paghithit-buga, pag indayog ng balakang sa paglalakad, haliparot na pagtawa, pag-iksi ng saplot, paggaslaw ng paggalaw at pagkawala ng abanikong tinatakip sa bibig sa tuwing mangungusap ay ang katotohanang mas nararamdaman ko ngayon ang mga karapatan at kalayaang matagal na panahon kong inasam-asam.

Mas dama ko ngayon ang pagiging isang tunay na babae.

MATIGAS NA ULO NI JUAN DELA CRUZ

JAYWALKING.

Hindi sumusunod sa tamang tawiran. May nakalagay na ngang bawal tumawid dahil may namatay na sa lugar, tawid pa rin ng tawid. Hindi naman ilalagay ang mga ganoong karatula kung hindi accident prone ang kalsada. Pero dahil sa katamarang gumamit mg footbridge o overpass ay mas pinipili ang makipagpatintero kay kamatayan. Sa isang iglap bigla na lang may titilapon sa kalsada. Basag ang bungo. Labas ang utak. Pisak ang katawan. Tuloy imbes na makapunta sa pupuntahan, sa morge ang kahahantungan.

 HINDI PAGSUNOD SA TRAFFIC LIGHTS.

Kahit naka-GO light, kakaripas pa rin ng tawid. Hindi man lang makapaghintay ng kahit sandali na tila ba mas mahalaga pa ang makatawid agad kaysa sa sariling buhay. Ipagpapalit ang isang minutong paghihintay kapalit ng disgrasya at kamatayan. Gaano ba kahirap ang maghintay?Ganoon ba kaimportante ang pupuntahan at kailangang isakripisyo ang buhay?O sadyang tamad at walang disiplina lang talaga tayo?

 HINDI PAGGAMIT NG HELMET.

Marami sa mga aksidente sa kalsada ay kinabibilangan ng mga motorsiklo at madalas namamatay ang mga naaaksidente dahil walang suot na helmet. Mabuti sana kung mabagal lang magpatakbo. Pero paano kung kumakaripas at kung masagi ng ibang sasakyan? Kadalasan ang hilig-hilig mag-angkas ng buong pamilya na pawang mga walang helmet. Bawal na nga ang sobra-sobrang pag-angkas, mga wala pang helmet na suot. Kinatatamaran ang pagbili ng isang bagay na napakahalaga para makabiyahe ng ligtas at maayos.

 HINDI PAGGAMIT NG SEATBELT.

Gaya ng hindi paggamit ng helmet, madalas ding winawalang bahala ng mga motorista ang paggamit ng seatbelt. Tila hindi nila alam ang kahalagahan nito kung sakaling magkakaroon ng aksidente sa daan. Ilang segundo lang naman ba para ikabit ang sinturong pangkaligtasan at animo’y kinatatamaran ng karamihan? Hindi naman ito nakakapagbigay ng anumang discomfort sa katawan subalit bakit hindi ginagamit?

 KASKASERO.

Kasing bilis ng pagmamaneho ng sasakyan ang pagbiyahe sa daan patungong kamatayan. Mabuti sana kung yong sasakyan lang at mga sakay nito ang maaaksidente. Paano kung may madamay na pedestrian o kaya ay makabangga ng kapwa motorista na responsable naman sa pagmamaneho. Ano ba kasi ang ipinagmamadali ng mga tao samantalang alam naman nila kung gaano kapeligroso ang pagiging kaskasero.

 PAGMAMANEHO NG LASING.

Kung yon ngang normal hindi nakakaligtas sa posibilidad na maaksidente yon pa kayang lango sa espiritu ng alak at wala sa tamang kaisipan. Isa sa maraming dahilan ng mga aksidente sa daan ang pagkakatulog sa biyahe ng mismong drayber, hindi pagiging alerto at kawalan ng malinaw na paningin bunsod ng kalasingan. Kung alam nang hindi kaya wag nang magpumilit pa dahil digrasya lang ang aabutin. Buti sana kung makaligtas ka pa.

 FIRECRACKERS.

Taun-taon hindi nawawalan ng pasyente ang mga ospital tuwing kasagsagan ng bagong taon. Tila walang epekto ang edvertisements sa telebisyon at mga balita na nagpapakita ng mga kalagayan ng mga naputukan. Hangga’t hindi napuputulan ng daliri, kamay, paa, o kaya nabubulag ay hindi magtatanda lalo na ang mga bata. Mabuti sana kung paputok lang ang ginagamit, pero hindi. Marami rin ang namamatay dahil sa mga ligaw na bala.

Mapagpalaya

Isang Mapagpalayang Araw!

Iyan ang bating ginagamit ko sa lahat ng pinupuntahan kong pagtitipon - pormal man o hindi.

Sa bawat pagpapakilala sinisimulan ko rin sa ganoong pambungad. Minsan ay sinasamahan ko ang aking pagbati ng mga salitang “mapagpala” at “mabiyaya” subalit hindi nawawala ang “mapagpalaya”.

Sa mga taong may malalim na kamalayan at kamulatan, natutuwa sila sa pagbati ko. Alam nila ang kahulugan at esensiya nito. Sa mga taong ordinaryo at mababaw ang pag-iisip, madalas nila kong palihim na tinatawanan at bumubulung-bulong pa na “bakit nakakulong ba tayo?”.

Minsan, may isang pilosopo na sumagot sa ‘kin. Pagkatapos kong bumati, ang sabi niya, “pinapalaya na kita”, sabay tawa. Napangiti naman ako. Sa loob-loob ko, isa kang malaking istupido.

Bakit nga ba mapagpalaya gayong malaya naman tayo? Wala na tayo sa panahong kolonyal o kaya panahon ng martial law. Mayroon namang demokrasya sa bansa. May kalayaan ang mga taong magpahayag ng kanilang saloobin laban sa gobyerno. May sapat na kalayaan upang gawin ang ninanais. Higit sa lahat, may kalayaang mabuhay at makapamuhay nang maayos.

Subalit, sa aking pananaw hindi sapat ang kalayaang ito. Isa lamang itong superpisyal na konsepto ng kalayaan.

Sinasabing ang taong malaya ngunit kumakalam ang sikmura ay hindi tunay na malaya.

Hanggang may mga hapag na nagdidildil ng asin, may kumakatok sa bintana ng sasakyan upang magtinda ng basahan at sampagita, may kumakalkal ng basura at may kumakapit sa patalim para may maipakain sa bibig ng pamilya, patuloy tayong nakakulong sa selda ng kahirapan.

Hanggang may mga taong tiwali sa gobyerno, nanlalamang sa kapwa, hindi nagsisilbi ayon sa kanilang mandato, nagnanakaw sa kaban ng bayan, tumatanggap ng suhol at kumakamkam sa hindi nila pag-aari, patuloy tayong nakagapos sa lubid ng korapsiyon.

Hanggang may mga kabataang hindi nakakapag-aral, may pamilyang walang maayos na tahanan at hanapbuhay at may komunidad na walang programang pangkalusugan, maayos na ospital, kalsada, kuryente at patubig, patuloy tayong nakalubog sa kumunoy ng bayang pinagkaitan ng karapatan sa disenteng pamumuhay.

Hanggang may diskrimnasyon sa mga kababaihan at third sex, may manggagawang walang sapat na sahod at benepisyo at may kawalan ng hustisya lalo na sa mahihirap, patuloy tayong nakatali sa sumpa ng kawalan ng pagkakapantay-pantay.

Hanggang tumataas ang presyo ng bilihin, krudo at gasolina, matrikula, pamasahe, toll fee, singil sa kuryente at tubig at iba pang serbisyo, patuloy tayong nababahiran ng putik ng kapitalismo.

Hanggang may paglabag sa ating karapatan at may umaapak sa ating dignidad at pagkato, walang kalayaan.

Muli, isang mapagpalayang araw!

Mga PAANO KUNG sa Kasaysayan

  • Hindi kinagat ni Eba at Adan ang mansanas. (Wala tayong minanang kasalanan?)
  • Nakatakas si Jose Rizal sa Fort Santiago. (Hindi siya ang national hero natin ngayon at hindi sisiklab ang rebolusyon?)
  • Hindi bumalik si Douglas McArthur. (Colony na tayo ng Japan?)
  • Lumubog ang Arko ni Noah. (Wala ng humanity?)
  • Hindi dinaya sa Presidential election si Mirriam Santiago. (Wala ng korapsyon sa bansa?)
  • Nabuhay ang anak ni Rizal. (Pwede siyang maging presidente ng Pilipinas?)
  • Hindi bumaba sa pwesto si Erap Estrada. (Hindi tayo magdurusa kay GMA?)
  • Nakaligtas sa assasination si Ninoy Aquino. (Naging presidente natin siya?)
  • Hindi pinatay si Andres Bonifacio. (Siya ang presidente ng Unang Republika?)
  • Nanalo ang “yes vote” sa impeachment trial ni Erap. (Walang People Power II?)
  • Hindi namatay si Fernando Poe Jr. (Tatakbo ulet siya sa 2010 Elections at tatalunin niya si PNoy?)
  • Nabigo ang People Power I. (Martial law pa rin?)
  • Hindi pinako sa krus si Jesus Christ. (Walang Kristiyanismo?)
  • Buhay pa si Rico Yan hanggang ngayon. (Siya ang biggest star ng ABS-CBN ngayon?)
  • Hindi natapilok si Mirriam Quimbao. (Hindi siya magiging judges favorite at di siya mananalo?)
  • Nabigo ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan. (Walang Kristiyanismo sa Pilipinas?)
  • Hindi binomba ang Pearl Harbor. (Walang World War II?)
  • Walang malaking utang panlabas ang Pilipinas. (Maunlad na tayo?)
  • Hindi nilabanan ni Cory Aquino si Marcos sa pagkapresidente. (Tuloy ang paglabag sa karapatang pantao?)
  • Si Marcos pa rin ang presidente ngayon. (Lalo tayong lumubog sa utang?)
  • Hindi isinuko ang Corregidor at Bataan. (Tumagal ang digmaan?)
  • Natalo ni Erap si Noynoy sa 2010 Presidential Elections. (Magiging pinakabobong nation tayo sa mundo?)
  • Hindi tayo nasakop ng mga Espanyol sa loob ng 333 years. (Hindi tayo konserbatibong mga tao?)
  • Ginagamit ang Bataan Nuclear Power Plant sa ngayon. (Bawas utang sa World Bank, IMF, ADB etc.?)
  • Hindi naisulat ang Bibliya at Koran. (Wala tayong relihiyon?)
  • Napatay si Emilio Aguinaldo. (Hindi maitatatag ang Unang Republika?)
  • Hindi nailimbag ang Noli Me Tangere. (Hindi sumiklab ang rebolusyon?)
  • May anak talaga si Jesus kay Mary Magdalene. (Mababago ang kultura at pananaw ng Kristiyanismo?)
  • Walang Islam sa Pilipinas. (Walang giyera sa Mindanao?)
  • Hindi nadiskubre ang paggamit ng kuryente at fossil fuels. (Nasa panahon pa rin tayo ng Bato?)
Malamang sa malamang mababago ang kasaysayan kapag ang mga nasa itaas ay naging bahagi nito.