Tuesday, May 1, 2012

Nakakabobo

Ano ba tong nangyayari sa kin?

Gigising sa umaga, check ng Facebook. Habang kumakain, nakatingin sa Facebook. Maliligo, magsisipilyo, magbibihis, tapos bago umalis ng bahay, sisilip kung may bagong status update. Habang nasa byahe, check ng Facebook.

Pagdating sa opisina, shempre magtatrabaho, pero may maliit na web browser screen na madaling i-minimize na nasa… hulaan nyo. Sa byahe pauwi galing opisina, pagdating sa bahay, bago matulog, Facebook. Tanginang Facebook.

Ngayon, pag wala ka yatang account sa isang social networking site, parang hindi ka nage-exist sa mundo. Sa pagkakaalala ko, nagsimula ito sa Friendster, lumipat ako ng Multiply, tapos ngayon meron na akong accounts sa Facebook, Plurk, Tumblr, Twitter, Foursquare, Gowalla, GetGlue. At alam ko hindi matatapos dyan. Madadagdagan pa yan.

Pakiramdam ko kapag hindi ako naga-update ng status ko, parang patay na ako sa mata ng ibang tao. Minsan naman, pag nag-post ako ng status, tapos walang nag-like or nag-comment, ganun pa rin, parang walang nakakakilala sa akin.

Noon, pwede kong sabihin sa yo na “hindi nagmamatter ang sasabihin ng ibang tao, gawin mo ang gusto mo”. Ngayon, ang sasabihin ko lang sa yo “bakit mo ginawa yon? kita tuloy ng buong mundo ang katangahan mo”, sabay “bilis i-delete mo na lang para hindi halata”.

Amplified na ngayon ang need to be recognized. Nakaasa na ang existence sa approval ng iba. Dahil sa paglabas ng mga social networking sites na to, naging mas mayayabang na ang mga tao. Kahit ata pag tumae ka na kasing laki ng baseball bat, ibibida mo sa status mo e (“I shat a baseball bat LOL”). Dati rati sasabihin mo lang “nakakapagod magja-jogging”. Ngayon iyayabang mo pa rin pero gagawin mong “Nike+ GPS – just finished my run: 1.53 km with a pace of 5’10″/km.”

Hindi naman ako against sa social networking. Ang tanong ko lang naman ngayon e, kaya mo pa bang mabuhay na wala ang mga social networking sites mo? Noong 2005 siguro masasabi mo na kaya mo pa. Noong 2000, ang masasabi mo siguro “wat da pek is a social networking site?”

Gusto ko lang baguhin ang pattern ng buhay ko ngayon. Imbis na mag-aksaya ako ng oras magbasa ng mga tweets ni Ely Buendia, pwede naman akong magpractice ng gitara. Imbis na tingnan ko ang photo album ng mga anak ng ibang tao, pwede namang maglaro kami ng sariling anak ko. Mas ok siguro kung imbis na maghintay ako ng status updates, gagamit na lang ako ng telepono para mangumusta ng mga tao.
Matanong ko nga, sino ba sa mga kilala mo ang hindi active sa Facebook?

Sa akin, yung isa, marami nang naaakyat na bundok. Yung isa, magiging senior manager na pero mas bata pa sa kin ng 5 years. Yung isa, hands on sa anak nya, at may padating pang baby. Yung isa, chef na ngayon sa isang hotel sa Ortigas. May pattern no?

Repeat after me:

Mas nage-exist pa ang mga tao na hindi active sa social networking sites.

Source: Chicken Sopas for my Soul by Tabachoi (November 4, 2010)

Ibang Pananaw Naman sa Buhay

ni Jairus Bondoc

MARAMING pang-araw-araw na sitwasyon ang nakaiirita. Pero hindi ito makaiinis kung ibahin lang ang pananaw sa buhay at tingnan ang positibong mensahe sa kabila ng sitwasyon.

Halimbawa:

Magpasalamat: Miski igiit ni misis na puro painit lang ang hapunan, kasi ibig sabihin nu’n ay nasa bahay siya kasama ka. O kung nakatutok lang buong gabi sa TV si mister, dahil ibig sabihin din ay nasa bahay siya imbis na sa bar. O kung umaangal ang anak na pinaghuhugas ng pinggan, dahil nasa bahay din siya at wala sa kalye.

Magpasalamat: Sa ibinabayad na buwis, dahil ibig sa­bi­hin ay may trabaho ka. Sa kalat na lilinisin pagkatapos ng party, dahil pinaligiran ka ng mga kaibigan. Sa pagsikip ng mga damit, dahil ibig sabihi;y kumakain ka nang sapat.

Magpasalamat: Na may aninong tila nagbabantay sa iyong bawat kilos, dahil ibig sabihin ay naaarawan ka. Sa hardin na kailangan na naman damuhan, sa bintanang kailangan punasan, at alulod na dapat kumpunihin, dahil ibig sabihin meron kang tinitirahang bahay.

Magpasalamat: Sa mga naririnig na hinaing tungkol sa gobyerno, dahil ibig sabihi’y may kalayaan kang uma­ngal. Sa parking slot sa kadulu-duluhan ng lote, kasi kaya mong lakarin. At pinagpala pa ng sasakyan. Sa laki ng electricity bill, kasi meron kang ilaw, bentilador at fridge.

Magpasalamat: Sa babae sa likod mo sa simbahan na sintonadong kumanta, dahil ibig sabihin nakakarinig ka. Sa tambak na labahin at plantsahin, dahil meron kang damit. Sa pagod at masakit na muscle pagtapos ng araw, kasi kaya mong magbanat ng buto.

Magpasalamat pati sa pes-teng alarm clock sa umaga, dahil ibig sabihin ay buhay ka.
Mabuhay nang lubos, tumawa nang malimit, at mag­mahal nang sagad sa puso.

Source: (Pilipino Star Ngayon Updated November 13, 2009)

The Physiology of Rally

Nung bata pa ko, naiinis ako sa mga nagrarally. They cause so much traffic. They cause so much noise and litters. May mga napapanood din kasi akong news (kasagsagan ng EDSA Dos vs. EDSA Tres) na binabayaran daw yong mga sumasama sa rally. Pumapatak ng 150 - 250. Laman tiyan din yon lalo na para sa mga walang trabaho.

Hindi lang ako noon inis sa mga nagrarally kundi sa pagrarally mismo. Mainit ang panahon (sayang ang glutathione ko). Maalikabok sa kalye (free powder). Pawisin pa ang mga kasama mo (oh my body odor). Nakakapaltos ng paa (wala kong pang-foot spa). Nakakalaki ng gastrocnemeus muscles. Nakakapaos ang sumigaw (sigaw!sigaw!ng pamantasan!…). Mabigat ang mga plakards. At higit sa lahat, makikita ka sa national television. Baka sabihin ng mga kamag-anak ko, ano ang ipinaglalaban ko at nasa kalye ako kasama ng mga maralitang Pilipino. Hindi naman ako ginugutom sa bahay at hindi naman ako manggagawa kaya bakit ako nagpapainit para sa kapakanan ng mga sektor na hindi naman ako kabilang.

In short, wala talaga sa itsura ko ang sasama sa rally. Sabi nga ng prof ko sa Philo, isa daw akong burgis. Isang conyong panay powder kada tapos ng klase. Kaya bakit ako magrarally eh galit sa mga tulad ko ang mga aktibista. Ang mga sumusumpa sa kapitalismo.

But when I entered Bukluran, marami akong narealized tungkol sa pagrarally. It is the loudest form of activism. The last resort when every peaceful and diplomatic steps failed. Isang panawagan. Isang pagtutol. Isang pagbatikos. May dakilang layunin at hangarin. Tatak ng isang tunay na tibak.

My bestfriend in Medicine asked me kung ano ba ang mahihita namin sa pagrarally. Pakikinggan ba kami ng gobyerno. Hindi ako sumagot. Kasi mahirap magpaliwanag kung ang papaliwanagan ay hindi apektado ng isyu. Maiintindihan nila, pero hindi nila mauunawaan. We don’t share the same language of the heart.

Lagi kong naiisip na kung walang nagrarally, magagawa kaya nating makawala sa kamay ng isang presidenteng diktador at isang jueteng lord? Kung lahat ng tao ayaw mapagod, mapawisan at maalikabukan sa kalye, makakalaya kaya ang Egypt mula sa diktadurya ni Hosni Mubarak, India sa kamay ng Britanya at ang Morong 43 dito sa Pilipinas? Malalaman kaya ng lahat ang kabulukan sa loob ng Goldilocks, PAL at Hacienda Luisita? Eh ang masalimuot ng kalagayan ng mga tao sa Libya, Bahrain, Syria at Tunisia?

Ang rally ay isang instrumento ng demokrasya. Sa bawat isyung panlipunan na ayaw tugunan ng isang gobyerno o ang gobyerno ang mismong nasasakdal, ang pagdala ng laban sa lansangan ay isang malakas na makinarya. Ito ay isang protestang nakakakuha ng pansin hindi lang ng mga apektadong mamamayan at gobyernong nagbibingi-bingihan kundi pati ng international community. Kaya nga malakas ang pressure para sa isang administrasyon na gawin ang nararapat kung buong mundo na ang nagbibigay ng pressure dito, lalo na ang United Nations.

Sa isang kumpanya o eskwelahan, malakas na instrumento ang pagrarally kapag may mga pang-abusong nagaganap sa karapatan ng mga manggagawa at estudyante. Kapag ang mga bagay-bagay ay hindi nadadaan sa mapayapang dayalogo, rally ang sagot.
Nakuha ko ‘to sa SIDHI, isang student publication sa UP:
  • “Ang rally ay isang moral obligation - kailangan ng mga tao ang maging politically at socially conscious. Ang pagrarally ay isang fundamental right - Freedom of speech.”
  • “Ito ang pinakamataas na porma ng parliamentary struggle na ang layunin ay ipaalam sa mga tao ang dahilan ng pagrarally. Ito rin ay paraan para maiparinig ang opinyon at maipakita ang pagkakaisa”
  • “Pagpapakita ito ng pagsuporta o pagsalungat sa isang lupon ng ideya batay sa personal na paniniwala.”
Sabi nga ng isang quote, abuse comes when there is too much silence. Sa pananahimik binibigay natin ang ating consent. Walang nagrereklamo eh. Kaya iisipin ng mga buwaya, hunyango at tiranong pinuno natin ay okay lang. Okay lang na mababa ang pasahod, na mataas ang presyo ng produktong petrolyo, na magtayo ng mga minahan kung saan-saan, na iimpose ang isang ordinansa hinggil sa pagbili ng contraceptives at condom sa isang barangay, na magkaroon ng budget cut sa edukasyon, na hanggang ngayon wala pa ring nangyayari sa Maguindanao massacre hearing, na mataas ang toll fee at magtataas ang singil sa LRT at iba pang problema ng bayan.

Pero dahil tayong mga Pilipino ay hindi sanay na pasibo, na nananahimik lang habang inaapi-api at ginugulangan,  kaya may mga rally. At kahit anuman ang sabihin ng iba, patuloy ang paglakad, pagsigaw, pagtutol, pagkondena, pagprotesta at paglaban para sa isang natatanging prinsipyo at paninindigan.
Kaya sa mga kumukutya sa mga rallyista at sa mobilisasyon, ano na ba ang nagawa niyo para sa bayan? Sapat na ba na ang kabataan ay nag-aaral lang nang mabuti sa paaralan? O dapat ay nakikialam sa mga isyu na direkta o hindi direktang nakaaapekto sa kanyang kapaligiran at lipunang ginagalawan?

Ilang beses pa lang ako nakakapagrally (madalas nakapayong pa ko). Pero sa mga panahong nasa kalye ako kasama ng mga aktibista, kakaiba ang pakiramdam na naidulot nito sa kin. Na minsan sa aking buhay meron akong tinindigang bagay, hindi para sa aking sarili, kundi para sa kapakanan ng iba. At yon ang mahalaga. Isang kamulatan at kamalayang ni minsan ay hindi naibigay, naituro at naipadama sa akin ng isang simpleng edukasyon sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

23 Things to Remember

by: Betty Hougland
  1. Faith is the ability to not panic.
  2. If you worry, you didn’t pray. If you prayed, don’t worry.
  3. As a child of God, prayer is kind of like calling home every day.
  4. Blessed are the flexible, for they shall not be bent out of shape.
  5. When we get tangled up in our problems, be still. God wants us to be still so He can untangle the knot.
  6. Do the math. Count your blessings.
  7. God wants spiritual fruit, not religious nuts.
  8. Dear God: I have a problem. It’s me.
  9. Silence is often misinterpreted, but never misquoted.
  10. Laugh every day — it’s like inner jogging.
  11. The most important things in your home are the people.
  12. Growing old is inevitable, growing up is optional.There is no key to happiness. The door is always open. Come on in. 
  13. A grudge is a heavy thing to carry.
  14. He who dies with the most toys is STILL DEAD.
  15. We do not remember days, but moments. Life moves too fast, so enjoy your precious moments.
  16. Nothing is real to you until you experience it; otherwise it’s just hearsay.
  17. It’s all right to sit on your pity pot every now and again. Just be sure to flush when you are done.
  18. Surviving and living your life successfully requires courage. The goals and dreams you’re seeking require courage and risk-taking.  
  19. Learn from the turtle, it only makes progress when it sticks out its neck.
  20. Be more concerned with your character than your reputation. Your character is what you really are, while your reputation is… Merely  what Others think you are.
  21. No matter the storm, when you are with God, there’s always a rainbow waiting.
  22. Leave gentle fingerprints on the soul of another for the angels to read. I don’t want to get to the end of my life and find that I lived just the length of it. I want to have lived the width of it as well.
  23. Be kinder than necessary, for everyone you meet is fighting some kind of battle.
Source: www.kubik.org

Eight Gifts that Do Not Cost A Cent

1) THE GIFT OF LISTENING…
But you must REALLY listen.
No interrupting, no daydreaming,
no planning your response.
Just listening.

2) THE GIFT OF AFFECTION…
Be generous with appropriate hugs,
kisses, pats on the back and handholds.
Let these small actions demonstrate the
love you have for family and friends.

3) THE GIFT OF LAUGHTER…
Clip cartoons.
Share articles and funny stories.
Your gift will say, “I love to laugh with you.”

4) THE GIFT OF A WRITTEN NOTE…
It can be a simple
“Thanks for the help” note or a full sonnet.
A brief, handwritten note may be remembered for
a lifetime, and may even change a life.

5) THE GIFT OF A COMPLIMENT…
A simple and sincere,
“You look great in red,” “You did a super job”
or “That was a wonderful meal”
can make someone’s day.

6) THE GIFT OF A FAVOR…
Every day, go out of your way
to do something kind.

7) THE GIFT OF SOLITUDE…
There are times when we want nothing better
than to be left alone.
Be sensitive to those times and give the gift of
solitude to others.

8) THE GIFT OF A CHEERFUL DISPOSITION…
The easiest way to feel good is
to extend a kind word to someone,
really it’s not that hard to say,
Hello or Thank You.

Friends are a very rare jewel, indeed. They make you smile and encourage you to succeed. They lend an ear, they share a word of  praise, and they always want to open their hearts to us.

Source: www.kubik.org

Some Important Truths

To handle yourself, use your head;
To handle others, use your heart.

Anger is only one letter short of danger.

If someone betrays you once, it’s his fault;
If he betrays you twice, it’s your fault.

Great minds discuss ideas;
Average minds discuss events;
Small minds discuss people.

God gives every bird its food,
But he does not throw it into its nest.

He who loses money, loses much;
He who loses a friend, loses more;
He who loses faith, loses all.

Learn from the mistakes of others.
You can’t live long enough to make them all yourself.

The tongue weighs practically nothing,
But so few people can hold it.

Source: www.kubik.org

66 Natural Highs

  1. Falling in love.
  2. Laughing so hard your face hurt.
  3. A hot shower.
  4. No lines at Disney World.
  5. A special glance.
  6. Getting mail.
  7. Taking a drive on a pretty road.
  8. Hearing your favorite song on the radio.
  9. Lying in bed listening to the rain outside.
  10. Hot towels out of the dryer.
  11. Walking out of your last final.
  12. Finding the item you want is on sale for half price.
  13. Chocolate milkshake.
  14. A long distance phone call.
  15. Getting invited to a dance.
  16. A bubble bath.
  17. Giggling.
  18. A good conversation.
  19. A care package.
  20. The beach.
  21. Finding a $20 bill in your coat from last winter.
  22. Laughing at yourself.
  23. Midnight phone calls that last for hours.
  24. Running through sprinklers.
  25. Laughing for absolutely no reason at all.
  26. Having someone tell you that you’re beautiful.
  27. Laughing at an inside joke.
  28. Friends.
  29. Falling in love for the first time.
  30. Slumber parties.
  31. Accidentally overhearing someone say something nice about you.
  32. Waking up and realizing you still have a few hours left to sleep.
  33. Your first kiss.
  34. Being part of a team.
  35. Making new friends or spending time with old ones.
  36. Playing with a new puppy.
  37. Late night talks with your roommate that keep you from sleeping.
  38. Having someone play with your hair.
  39. Sweet dreams.
  40. Hot chocolate.
  41. Road trips with friends.
  42. Swinging on swings.
  43. Watching a good movie cuddled up on a couch with someone you love.
  44. Song lyrics printed inside your new CD so you can sing along without feeling stupid.
  45. Going to a really good concert.
  46. Getting butterflies in your stomach every time you see that one person.
  47. Making eye contact with a cute stranger.
  48. Winning a really competitive game.
  49. Making chocolate chip cookies!
  50. Having your friends send you homemade cookies!
  51. Spending time with close friends!
  52. Running through the fountains with your friends.
  53. Riding a bike downhill.
  54. The feeling after running a few miles-an accomplishment!
  55. The feeling you get the first time you step on stage.
  56. Seeing smiles and hearing laughter from your friends…
  57. Holding hands with someone you care about.
  58. A good massage.
  59. Running into an old friend and realizing that some things (good or bad) never change.
  60. Discovering that true love is unconditional and stronger than time.
  61. Riding the best roller coasters over and over.
  62. Hugging the person you love.
  63. Watching the expression someone’s face as they open a much-desired present from you.
  64. Kisses on your forehead from your parents.
  65. Watching the sunrise.
  66. Getting out of bed every morning and thanking God for another beautiful day.
Source: www.kubik.org