Patuloy na pinapatay ng political dynasty
sa bansa ang pag-asa na makaahon tayo sa kumunoy ng kahirapan. Ang
pagkaganid at matinding paghahangad sa kapangyarihan, katanyagan at
kayamanan ng mga buwayang angkan ang nagbigay daan upang maiukit at
maimbento sa kasaysayan ang salitang korapsiyon.
Mga magkakamag-anak lamang ang nagpapalitan sa mga pinakamatataas na puwesto sa mga lokal at maging sa mataas na pamahalaan. Sa ganitong kalakaran kontralado ng iilan ang paggulong at paggasta ng pondo ng bayan, walang bumabatikos sa anumang katiwalian, naitatago at natatakpan ang anumang anomalya at iregularidad at ang anumang ginagawang pampulitika at pang-ekonomikong polisiya ay pumapabor sa mga nasabing pamilya at sa kanilang pananatili sa puwesto.
Kung titingnan ang estado ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, imprastraktura at iba pang pangunahing pangangailangan, nag-uumapaw sa pagdarahop, kakulangan at kabulukan. Nakapanlulumo na sa dami ng naglalakihang mansyon, magagarang sasakyan at milyones na ari-arian ng mga angkang ito ay pinagdamutan ng pag-asa at karapatan sa disenteng pamumuhay ang mga taong nagluklok sa kanila sa pamahalaan.
Sa kabila ng ilang dekadang pamumuno at paghahari-harian ng mga kapit-tukong pulitiko at kanilang mga angkan, walang nagbago sa antas ng pamumuhay ng kanilang nasasakupan. Bagkus lalong nasadlak ang taumbayan sa kahirapan at ang pondong nakalaan para sa mamamayan ay kinamkam at ibinulsa ng mga hunyango at buwaya.
Tuwing eleksiyon, sila-sila ulet ang kumakandidato kaya wala namang mapagpilian ang taumbayan. Kung mayroon man ay gagamitan ng impluwensiya at pera ng mga kasalukuyang nakaupo upang sila ulet ang maupo sa trono. Dahil sa kawalan ng edukasyon ay madaling nalilinlang at nahihimok ang mga tao upang sila ay muling ilagay sa puwesto. At magiging siklo na lamang ang pagpapakasasa ng mga angkang ito sa sarap at ginhawa habang ang mga komunidad ay walang malinis na tubig, walang kuryente, walang kalsada, walang eskwelahan, walang pagamutan, at walang kahit anumang pag-asang makaahon sa hirap.
Bagamat sinasabing ang eleksiyon ay repleksiyon ng demokrasya, dahil sa political dynasty naglaho ang konseptong ito. Sa isang bansang ang korapsiyon at katiwalian ay isang kultura at ang kapangyarihan sa gobyerno ay tila bolang pinagpapasa-pasahan lang ng iilan, ang eleksiyon ay nagiging isa na lamang ilusyon na sa ating bansa ay may demokrasya.

No comments:
Post a Comment