Tuesday, May 1, 2012

Sayang si Marcos

Ang talino sana niya. Magaling pa. Before martial law maganda ang ekonomiya ng Pilipinas at masasabing ang bansa natin ay isa sa nangunguna sa ASEAN when it comes to economy, education, infrastructure, social services etc.

Kaso nasira siya dahil sa kanyang mga crony at sa paghahangad na manatili sa pwesto. Every type of greed followed. Power. Money. Authority. Prestige. Control.

Sayang. Idol ko sana siya. Mantakin mo ba naman nagkakaso siya at siya ang tumayong abogado para sa sarili niya. BAR topnotcher ba naman eh. Pinanigan siya ng Korte Suprema dahil sayang naman na mapupunta sa preso ang isang taong ganun kagaling sa larangan ng abogasya.

Kung hindi sumabog ang Chernobyl, malamang hindi nagkaroon ng agam-agam at takot na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant. Ganun ka-advanced ang utak ni Marcos para isulong na magkaroon ng nuclear power plant ang Pilipinas. Pero dahil hindi ito nagamit, hindi nabayaran ang gastos. Lumaki ang utang na pinampagawa ng structure. Malaki din ang perang niluluwal para sa araw-araw na maintenance kahit hindi ito ginagamit.

Makikita mo sa aura at karakter ni Marcos na kung ano ang gusto niya paninindigan niya. Ipaglalaban niya. De numero siya kumilos at mag-isip. Marunong siya gumamit ng tao to his advantage. Planado ang mga desisyon niya.

Kaya kung paghahambingin si Marcos at P-Noy?Naku ha…Di hamak. Wala pa sa kalingkingan ni Marcos si P-Noy. Si Ninoy siguro puwedeng ipantapat pero yong anak niya?I don’t think so.

Sayang talaga…Sabi nga nila, absoute power corrupts absolutely.

No comments:

Post a Comment