Nung bata pa ko, naiinis ako sa mga
nagrarally. They cause so much traffic. They cause so much noise and
litters. May mga napapanood din kasi akong news (kasagsagan ng EDSA Dos
vs. EDSA Tres) na binabayaran daw yong mga sumasama sa rally. Pumapatak
ng 150 - 250. Laman tiyan din yon lalo na para sa mga walang trabaho.
Hindi lang ako noon inis sa mga nagrarally kundi sa pagrarally mismo. Mainit ang panahon (sayang ang glutathione ko). Maalikabok sa kalye (free powder). Pawisin pa ang mga kasama mo (oh my body odor). Nakakapaltos ng paa (wala kong pang-foot spa). Nakakalaki ng gastrocnemeus muscles. Nakakapaos ang sumigaw (sigaw!sigaw!ng pamantasan!…). Mabigat ang mga plakards. At higit sa lahat, makikita ka sa national television. Baka sabihin ng mga kamag-anak ko, ano ang ipinaglalaban ko at nasa kalye ako kasama ng mga maralitang Pilipino. Hindi naman ako ginugutom sa bahay at hindi naman ako manggagawa kaya bakit ako nagpapainit para sa kapakanan ng mga sektor na hindi naman ako kabilang.
In short, wala talaga sa itsura ko ang sasama sa rally. Sabi nga ng prof ko sa Philo, isa daw akong burgis. Isang conyong panay powder kada tapos ng klase. Kaya bakit ako magrarally eh galit sa mga tulad ko ang mga aktibista. Ang mga sumusumpa sa kapitalismo.
But when I entered Bukluran, marami akong narealized tungkol sa pagrarally. It is the loudest form of activism. The last resort when every peaceful and diplomatic steps failed. Isang panawagan. Isang pagtutol. Isang pagbatikos. May dakilang layunin at hangarin. Tatak ng isang tunay na tibak.
My bestfriend in Medicine asked me kung ano ba ang mahihita namin sa pagrarally. Pakikinggan ba kami ng gobyerno. Hindi ako sumagot. Kasi mahirap magpaliwanag kung ang papaliwanagan ay hindi apektado ng isyu. Maiintindihan nila, pero hindi nila mauunawaan. We don’t share the same language of the heart.
Lagi kong naiisip na kung walang nagrarally, magagawa kaya nating makawala sa kamay ng isang presidenteng diktador at isang jueteng lord? Kung lahat ng tao ayaw mapagod, mapawisan at maalikabukan sa kalye, makakalaya kaya ang Egypt mula sa diktadurya ni Hosni Mubarak, India sa kamay ng Britanya at ang Morong 43 dito sa Pilipinas? Malalaman kaya ng lahat ang kabulukan sa loob ng Goldilocks, PAL at Hacienda Luisita? Eh ang masalimuot ng kalagayan ng mga tao sa Libya, Bahrain, Syria at Tunisia?
Ang rally ay isang instrumento ng demokrasya. Sa bawat isyung panlipunan na ayaw tugunan ng isang gobyerno o ang gobyerno ang mismong nasasakdal, ang pagdala ng laban sa lansangan ay isang malakas na makinarya. Ito ay isang protestang nakakakuha ng pansin hindi lang ng mga apektadong mamamayan at gobyernong nagbibingi-bingihan kundi pati ng international community. Kaya nga malakas ang pressure para sa isang administrasyon na gawin ang nararapat kung buong mundo na ang nagbibigay ng pressure dito, lalo na ang United Nations.
Sa isang kumpanya o eskwelahan, malakas na instrumento ang pagrarally kapag may mga pang-abusong nagaganap sa karapatan ng mga manggagawa at estudyante. Kapag ang mga bagay-bagay ay hindi nadadaan sa mapayapang dayalogo, rally ang sagot.
Nakuha ko ‘to sa SIDHI, isang student publication sa UP:
Pero dahil tayong mga Pilipino ay hindi sanay na pasibo, na nananahimik lang habang inaapi-api at ginugulangan, kaya may mga rally. At kahit anuman ang sabihin ng iba, patuloy ang paglakad, pagsigaw, pagtutol, pagkondena, pagprotesta at paglaban para sa isang natatanging prinsipyo at paninindigan.
Kaya sa mga kumukutya sa mga rallyista at sa mobilisasyon, ano na ba ang nagawa niyo para sa bayan? Sapat na ba na ang kabataan ay nag-aaral lang nang mabuti sa paaralan? O dapat ay nakikialam sa mga isyu na direkta o hindi direktang nakaaapekto sa kanyang kapaligiran at lipunang ginagalawan?
Ilang beses pa lang ako nakakapagrally (madalas nakapayong pa ko). Pero sa mga panahong nasa kalye ako kasama ng mga aktibista, kakaiba ang pakiramdam na naidulot nito sa kin. Na minsan sa aking buhay meron akong tinindigang bagay, hindi para sa aking sarili, kundi para sa kapakanan ng iba. At yon ang mahalaga. Isang kamulatan at kamalayang ni minsan ay hindi naibigay, naituro at naipadama sa akin ng isang simpleng edukasyon sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

- “Ang rally ay isang moral obligation - kailangan ng mga tao ang maging politically at socially conscious. Ang pagrarally ay isang fundamental right - Freedom of speech.”
- “Ito ang pinakamataas na porma ng parliamentary struggle na ang layunin ay ipaalam sa mga tao ang dahilan ng pagrarally. Ito rin ay paraan para maiparinig ang opinyon at maipakita ang pagkakaisa”
- “Pagpapakita ito ng pagsuporta o pagsalungat sa isang lupon ng ideya batay sa personal na paniniwala.”
Pero dahil tayong mga Pilipino ay hindi sanay na pasibo, na nananahimik lang habang inaapi-api at ginugulangan, kaya may mga rally. At kahit anuman ang sabihin ng iba, patuloy ang paglakad, pagsigaw, pagtutol, pagkondena, pagprotesta at paglaban para sa isang natatanging prinsipyo at paninindigan.
Kaya sa mga kumukutya sa mga rallyista at sa mobilisasyon, ano na ba ang nagawa niyo para sa bayan? Sapat na ba na ang kabataan ay nag-aaral lang nang mabuti sa paaralan? O dapat ay nakikialam sa mga isyu na direkta o hindi direktang nakaaapekto sa kanyang kapaligiran at lipunang ginagalawan?
Ilang beses pa lang ako nakakapagrally (madalas nakapayong pa ko). Pero sa mga panahong nasa kalye ako kasama ng mga aktibista, kakaiba ang pakiramdam na naidulot nito sa kin. Na minsan sa aking buhay meron akong tinindigang bagay, hindi para sa aking sarili, kundi para sa kapakanan ng iba. At yon ang mahalaga. Isang kamulatan at kamalayang ni minsan ay hindi naibigay, naituro at naipadama sa akin ng isang simpleng edukasyon sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.
No comments:
Post a Comment