Tuesday, May 1, 2012

Ang Esensiya ng Maliliit na Bagay

I GREW UP IN THE 90s.

We are the last generation who learned to play in the street, we are the first one who’ve played video games, and we’re the last ones to record songs off the radio on cassettes and we are the pioneers of Walkman and chat-rooms.

We learned how to program the VCR before anyone else, play with Atari, Super Nintendo, & Genesis. We also believed that the internet would be a free…… world.

We are the generation of the Bioman, Maskman, Dragonball Z, Yu Yu Hakusho, Slam Dunk, Magic Knight Rayearth, Gundam, Neon Genesis Evangelion, Kamen Rider Black, Mighty Morphin Power Rangers, Ninja Turtles, Transformers, and Shaider. Traveled in cars without seat belts or airbags, lived without mobile phones.

We didn’t have +99 television stations (but we had 999 games in 1 for the Family Computer), flat screens, surround sound, mp3, iPods, Facebook or Twitter but nevertheless we had a GREAT TIME!
- - - -

Nababasa ko palagi yan sa facebok. Maraming nagrerepost. Marami na rin akong youngblood articles na nabasa having these kinds of sentiments. Kahapon sa huling araw ng bar operations, nabanggit ko kela Elaine, habang nagpapakasasa kami sa lechong handa ng kapatid ni Julienne, na ibang-iba na ang panahon ngayon. Masyadong komplikado na ang mga bagay-bagay. Sobrang dami ng lumalabas na gadgets, kalalabas lang ng ganitong model, maluluma na agad. Ang mga tao sabik na sabik na makasunod sa uso. Bili ganito, bili ganyan. Na para bang ang sukatan ng pagkatao ay kung gaano ka-mahal at ka-latest ang iPod at iPad mo.

Hindi ko magets ang punto ng pag-iipon for an iphone or samsung galaxy tablet, while depriving yourself of the many experiences na pwede mong magawa using those thousand bucks. O ang pagkahumaling sa kape ng starbucks samantalang mas masarap pa yong 3-in-1 kesa dun (napaka-ironic ko sa part na to, hindi na po ako suki ng starbucks. Haha). Buying pirated cd’s in Quiapo samantalang mas masarap tumili sa loob ng sinehan with your friends than having a marathon in front of your laptop, alone.

Hindi ko alam kung nakakatuwa, nakakabilib o nakaka-inggit ba ang ganun?O kung dapat ko bang pakialamanan ang ganung bagay samantalang pera naman nila ang pinambibili. Pakialam ko ba. Kaso parang maraming naisasantabi ang mga tao dahil sa modernong teknolohiya. Private schools are now using tablets instead of books. Nagiging tamad na ang estudyante. At ang mismong paaralan ang nagtuturo sa kanila nito.

May mga naglalibrary pa ba ngayon?Parang wala na gaano. Lahat kasi nasa internet na. Isang click lang nandyan na agad. Hindi mo na mararanasan na ma-amaze sa mga antigong libro sa library at sa masungit na librarian. Hindi mo na mararamdam ang feeling na sa wakas pagkatapos mong mahilo sa kapal ng alikabok nahanap mo rin ang hinahanap mo. Isang pakiramdam na hindi mo naman mararanasan kakaclick ng mouse.

Noong bata pa ko, sobrang excited ako sa national bookstore. Sobra akong na-aamaze sa rami ng librong nakapaligid sa kin. Nag-iipon ako para makabili ng mga gusto kong libro. Para sa isang bata, struggle na yon. Ngayon, karamihan sa mga libro nadadownload na. Even nga yong letters and cards. Namimiss ko yong pakiramdam na sa birthday ko bibigyan ako ng mga bestfriend ko ng cards. Ngayon, hanggang facebook na lang ang mga greetings. Iba pa rin talaga ang epekto pag personal na sinulat at personal na binigay at may kasama pang kiss at hugs. Kesa sa facebook, na minsan happy birthday na nga lang gagawin pang HBD.

Dahil galing ako sa debut nung Saturday, napaisip na naman ako. Maraming babae ngayon ang pinipera na lang instead of having a party. Tas yong pera ipambibili lang pala ng kung anong gamit at gadget. Nakokornihan kasi sa 18 roses, 18 candles at 18 chuchus. Di ba nila naiisip minsan lang sila magiging 18. Na ang isang gabi kasama ang mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan nila ay mas mahalaga pa kaysa sa pera o kotse na hinihinging nilang kapalit. Lahat naman yon pwede nating mabili pag may work na tayo. Eh yong memories and experiences na dapat sana baon-baon natin hanggang pagtanda, wala na. Masyado kasing minamadali ang lahat. Gusto sa ganitong age pa lang mayroon na dapat mga ganitong bagay at accomplishments. 

Ewan. Sa bilis ng panahon at mga pagbabago, pati buhay ng tao bumibilis na rin. Naranasan kong gumawa at magpalipad ng saranggola. Ilang beses na rin ako nahulog sa puno. I appreciate parks than malls. Naranasan ko na maligo sa ilog, matulog sa dalampasigan while looking at the stars, magluto sa pugon, manghuli at maglaro ng gagamba, sumabit sa traysikel, magpastol ng kambing and a lot of weird experiences that for me were extraordinary ones. I dunno. Yon ata ang kainaman ng taong naranasan mabuhay both sa province at city. You get to meet both worlds.

Ang mga artista, mga anak nila, o kaya yong mga anak ng elitista, home study na lang. Kawawang mga nilalang. Hindi man lang nila naranasan at nararanasan ang maging tunay na estudyante. Yong mapahiya sa klase, magcram sa project at thesis, mangopya, flunking an exam, mapingot ni teacher, ma-guidance, js prom, excited kaka-antay kung may pasok ba o wala dahil may bagyo. Poor people. 


I think we are missing the real essence of life and relationships. Natetake for granted natin ang mga simpleng bagay, ang mga simpleng karanasan at ang mga simpleng pakiramdam. Darating ang panahon, iba na ang persepsyon ng tao sa totoong kahulugan ng kasiyahan.

No comments:

Post a Comment