Walang masama sa pagiging parasite
paminsan-minsan. Hindi yon maiiwasan lalo pa at hindi sa lahat ng
panahon ay may kalabisan o kaginhawaan tayong natatamasa sa buhay.
Bahagi din kasi ng kultura natin ang panlilibre at pagpapalibre. Sabi
nga, wala na raw mas sasarap pa sa mga bagay na nakuha ng libre.
Subalit lahat ng sobra ay masama. Ang panghihingi ay hindi nagiging katanggap-tanggap kung madalas itong ginagawa at dito na lang umaasa ang isang tao. Wala ng pagsisikap at pagbabanat ng buto dahil mayroong inaasahang taong mahihingan ng tulong o agad agad malalapitan sa oras ng pangangailangan.
Ilan lamang sa mga halimbawa ng social parasitism (sa aking pananaw) ay ang mga sumusunod:
Bagamat masarap ang mga bagay na libre, dapat ay balanse. Kung ngayon ay ikaw ay nagawan ng pabor bukas ay ikaw naman ang magbigay nito. Dahil para sa isang harmonious na pamumuhay, symbiotic dapat ang relationship, hindi parasitic.

- Panlilimos.
- Pangongotong (mga sigang nanghaharang ng dyip, pag hindi nagbigay bubutasin ang gulong, marami nito sa Divisoria)
- Madalas na pangongopya ng assignment o sagot sa exam.
- Madalas na pangungutang ng pera na hindi naman binabayaran.
- Madalas na pagpapalibre ng pamasahe.
- Pagtira sa poder ng magulang kahit may sariling pamilya na at magulang pa rin ang gumagastos.
- Pagpapa-alaga sa mga apo sa kanilang mga lola nang walang binibigay na sapat na pantustos.
- Pakikikabit ng kuryente o tubig sa kabitbahay nang di nagbabayad nang tama at sa oras. (jumper ata tawag dun, nagiging dahilan pa ng sunog)
Bagamat masarap ang mga bagay na libre, dapat ay balanse. Kung ngayon ay ikaw ay nagawan ng pabor bukas ay ikaw naman ang magbigay nito. Dahil para sa isang harmonious na pamumuhay, symbiotic dapat ang relationship, hindi parasitic.
No comments:
Post a Comment