by Jarius Bondoc in his column Sapul, Pilipino Star Ngayon
MULA sa butas sa dingding ng bahay, sinisilip ng daga kung ano’ng pagkain ang nasa kahon na inuwi ng magsasaka sa misis. Nabahala siya nang makita na hindi pala kakanin, kundi panghuli ng daga, ang laman.
Dali-dali tinungo niya at binalitaan ang manok sa bakuran: “May mousetrap sa bahay.” Sagot sa kanya ng manok: “Gan’un ba? Tiyak, ikaw ay mag-aalala, pero e ano sa akin kung may mousetrap?”
Nababahala pa rin tinungo ng daga ang baboy sa tangkal. “May mousetrap sa bahay,” ibinalita niya. Patuloy lang ngumuya ang baboy bago sumagot: “E ano sa akin kung may mousetrap? Baboy naman ako.”
Tinungo ng daga ang baka sa pastulan para sabihan din tungkol sa mousetrap. Gan’un din ang sagot, balewala sa baka ang balita.
Kinagabihan ding ‘yon, kumalabog ang mousetrap. Bumangon ang misis at inalam kung ano ang nahuli. Ahas pala, na naipit ang buntot sa mousetrap, at sa galit ay tinuklaw ang misis.
Kinaumagahan nilagnat ang misis. Naisip ng magsasaka ang karaniwang lunas sa lagnat: chicken soup, kaya kinatay at isinabaw ang manok.
Miski tinignan na ng doktor, lumala pa rin ang lagnat ng misis. Naghalinhinan ang mga kapitbahay sa pag-aalaga sa kanya. Para mapakain sila, kinatay ng magsasaka ang baboy at inulam.
Sa kasawiang-palad yumao ang misis, at nagsidating ang mga kanayon para makiramay. Kinatay ng magsasaka ang baka para may makain ang mga nag-aabuloy.
Mula sa butas niya sa dingding, malungkot na sinaksihan ng daga lahat ng nangyayari.
Aral: Ang problema pala ng isa ay problema ng lahat. Ang peligro sa isa ay peligro sa iba. Magkakasama tayo sa lakbay ng buhay, kaya’t alalahanin, alagaan ang isa’t isa.

No comments:
Post a Comment