Tuesday, May 1, 2012

Sino ang May Sala?

Masyadong nakakaalarma ang mabilis na paglobo ng dengue cases sa bansa. Nakakabahala  lalo na ang mortality rate kung saan karamihan ay mahihirap. Higit na nakakaawa ang mga walang muwang na dengue na pala ang sakit ng kanilang mga mahal sa buhay pero nalaman lang nila kung kelan patay na. Bagamat libre ang pagpapa-ospital kapag dengue ang kaso, hindi nito nasolusyunan ang pagsugpo sa epidemya. Hindi ko alam kung na kanino ang mali o nasaan ang pagkukulang.

Sinasabing may kakulangan sa infodesi tungkol sa dengue pero kung tutuusin ano pa ba ang dapat malaman sa isang sakit na hindi na bago sa Pilipinas? Sadyang kulang lang ba sa kaalaman o sa kawalan ng disiplina ng tao? Hindi naman pamamahayan ng mga lamok ang isang malinis na kapaligiran. Maliit lang din ang porsiyento na makuha ito sa ibang lugar maliban na lang kung matagal ang paglalagi sa lugar na yon gaya ng sa paaralan. At kung sa paaralan man ito makuha, higit na nakakainsulto gayong ito ang higit na nakakaalam sa kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang ganitong problema.

Ano ang ginagawa ng mga barangay? Kung ako ang tatanungin, ang mga barangay ang pinakaunang dapat na umaaksyon kung may kakulangan sa kaalaman ang bawat pamilya. Ang DOH ay supplementary na lang. Besides, sapat na ang ginagawa ng media para maging aware ang mga tao regarding dengue pero wala pa ring pagbabago. Lalong dumarami ang kaso. Bakit naman ang Marikina sobrang konti ng dengue cases. Isa lang ang sagot: kasi malinis ang mga komunidad sa kanila.

At the end of the day, nasa bawat pamilya pa rin ang paraan para maiwasan ang pagkakasakit ng dengue. Hindi sapat na may alam lang, dapat isinasabuhay ang mga kaalamang ito. Ano lang naman ba ang ilang oras ng paglilinis ng bahay kumpara sa haba ng oras na ginugugol ng mga tao kaka-fb? Magkano lang naman ba ang insect repellants kumpara sa ginagastos sa monthly load? Ang kasulugan ay hindi lang isang karapatan, ito ay isa ring responsibilidad.

No comments:

Post a Comment