Tuesday, May 1, 2012

Hindi Nakakaawa ang mga Babaeng Narerape Dahil sa Kalasingan

Isa kang malaking TANGA. Yan ang mensahe ko sa mga babaeng biktima ng rape dahil sa kalasingan. Mga babaeng alam naman nila na maaari silang mapahamak sa pakikipag-inuman sa mga lalaki ngunit paunlak pa rin ng paunlak.Laklak dito, laklak doon. Kapag nababoy na ang kanilang pagkababae ay walang magawa kundi ang mag-iiyak at isisi sa mga kainuman ang mapait na pagkawasak ng kanilang hymen at pagkayurak ng kanilang dignidad bilang babae.

Kung tutuusin sino ba ang tanga na pumayag makipag-inuman sa mga lalaki?Tipong ikaw lang ang babae subalit pumayag ka pa rin. Eh di ginusto mo rin ang nangyari sa iyo dahil umpisa pa lang puwede kang humindi sa paanyaya pero sa kasabikan mo sa alak at sa mga lalaki ay pumayag ka. Rape with consent.

Linggu-linggo na lang ay laman ng balita ang mga babaeng biktima ng gang rape. Na kesyo niyaya ng mga barkadang lalaki, mga kapatid sa fraternity, barkada ng pinsan, barkada ng kapitbahay, barkada ng kaupisina, barkada ng kapitbahay, barkada ng boyfriend at kung kani-kaninu pang barkada.

Bawat kuwento ay pare-pareho lang. Ilang shots pa lang nahilo na. Gusto nang umuwi pero pinigilan. Dinala sa kwarto at hinubaran. Nanlaban ngunit walang lakas. Pinilahan. Pagkagising ay hubu’t hubad na. Masakit ang katawan at kaselanan.

Sa mga kuwentong ito sino ang tanga?Sino ang may kasalanan?Sino ang matigas ang ulo at walang pinagkatandaan?

Kung yun ngang tatay, kuya, pinsan, boyfriend o kahit bestfriend ay walang katiyakan ang seguridad ng isang babae kapag sila ang kasama yun pa kayang mga taong noon mo lang nakilala?

Tandaan na ang sex ang pinakamatindi at pinakamalakas na human instinct. At sa usaping ito, lahat talo talo - mapalasing man o hindi.

Kaya BABAE, maging matalino ka dahil laging nasa huli ang pagsisisi!

No comments:

Post a Comment