Hindi na raw patok ang kursong Nursing
kaya iminumungkahi ng CHED na wag na itong piliing kurso. Tambak tambak
na daw kasi ang Nursing graduates. Karamihan dito walang mapasukang
ospital. Hindi rin naman agad-agad makakaalis ng bansa ang mga nais
makipagsapalaran sa ibang bayan.
Sa sobrang dami ng kumukuha ng Nursing, sinasamantala ito ng ibang mga ospital. Pinagbabayad ang mga estudyante para sa mga training. Sila na nga ang nagvovolunteer sila pa ang pinagbabayad.
Sa mga gobyernong ospital kahit nagtop ka pa sa board exam o grumaduate ka with flying colors, kung wala kang kapit, hindi ka mareregular. Mauunahan ka pang maregular ng kasamahan mong pulpol dahil lang may kamag-anak sa Cityhall. Ikaw dalawang taon ka munang volunteer nurse (without pay ha). At sa dalawang taon na yon, walang garantiya na iaabsorb ka nila.
If I am not mistaken, marami na ring napasarang Nursing schools dahil sa mababang rating sa board exams. Sa Pilipinas lang ata may IT schools na nag-ooffer na rin ng Nursing. Ganun tayo kagaling.
Pansin niyo ba nung nakaraang Bb. Pilipinas pageant karamihan sa kasali nurse?Marami ring nursing graduates ang pansamantalang nagwowork sa mga call center habang naghihintay ng himala sa isang bayang tila nauubusan na ng pag-asa.
Sa bawat libu-libong pumapasa sa Nursing board exams, libu-libo din ang mga freshmen na ito ang kinukuhang kurso. Kaya hindi mabawas-bawasan ang paglobo ng bilang ng ating nurses. Isa pang patotoo ang mga doktor na kumukuha ng Nursing. Parang demotion naman ata yon. Doktor ka na (na tinake mo for almost a decade) tapos bigla kang magnunurse just because in demand “daw” ito sa ibang bansa.
Sa totoo lang, marami sa mga kumukuha ng kursong ‘to ang sumasabay lang sa agos. I doubt na lahat yan ay gusto talaga ng trabahong maglilinis ng ihi at tae ng pasyente, sisigaw-sigawan ng doktor, mapupuyat sa shift, at maaaligaga sa ER. Sabagay maganda sa mata ang unipormeng puti.
Subalit kung ating titingnan ang kalagayan ng buong Pilipinas, ilan lamang sa mga baryo ang may nurse at doktor. Nagsisiksikan ang mga nurse sa NCR. Nag-aagawan sa mga ospital na mapapasukan. Pero sa mga liblib na lugar, kulang na kulang sa health workers.
Kung tutuusin, hindi tayo sobra-sobra sa nurse. Ipatapon yang mga yan sa mga municipalidad na nangangailangan ng serbisyong medikal. Tipong Nurse to the Barrios. Tingnan natin kung magsiksikan pa sila sa mga metropolis.
Ang hirap lang kasi sa Pilipinas, ang pasahod. Kung maayos ang pasahod sa anumang klaseng propesyon disin sana ay walang nangingibang bansa for greener pasture.

No comments:
Post a Comment