Ang ilan sa mga karanasan at obserbasyong ito ay ang mga sumusunod:
- May grasang kamay ng drayber.
- Katabing pawisin o may masangsang na amoy.
- Walang gustong mag-abot ng bayad.
- Kaskaserong drayber.
- Hindi pa nakakababa o nakakaupo ay biglang haharurot ng takbo ang dyip.
- Walang gustong umusog para magbigay ng upuan.
- Binging drayber o daldal ng daldal sa katabi tuloy lumalagpas sa dapat na bababaan.
- Nagbibingi-bingihang drayber kapag kinukuha na ang sukli.
- Mga palusot na naibigay na raw ang sukli kahit hindi pa.
- Nang-aakusa na hindi ka pa nagbabayad kahit ang totoo tapos na.
- Mga batang nanglilimos o kaya nagpupunas ng sapatos/paa gamit ang maruming basahan.
- Lasing na pasahero at makakatulog sa balikat mo.
- Palilipatin ka ng dyip kapag ikaw na lang ang pasahero.
- Late ka na pero nagpupuno pa ng pasahero.
- Drayber na nagpaparinig sa mga hindi pa nagbabayad.
- Mga bastarda mag-abot ng bayad o sukli, na parang nandidiri sa kamay ng aabutan.
- Mga mandurukot at holdaper.
- Snatcher ng cellphone, kwintas o hikaw kapag nakahinto ang dyip.
- Ayaw magbigay ng discount sa estudyante.
- Drayber at pasaherong nagtatalo dahil sa sukli.
- Mga nakabalandrang naglalakihang gamit sa loob ng dyip.
- Nagsusukang bata. Bumaho ang dyip at natalsikan ang iyong paa.
- Paparahin ng pulis dahil sa violations tuloy delayed ang byahe.
- Sobrang traffic dahil may banggaan o sunog.
- Mga drayber na nakikipagmurahan sa kapwa drayber (madalas sa taxi drayber) dahil sa gitgitan sa kalye.
- Walang panukli. Ikaw pa ang pagagalitan ng drayber.
- Walang basurahan.
- Maingay na makina, mausok na tambutso at maalog na biyahe.
- Biglaang preno kaya titilapon ang mga pasahero.
- Nagsisigarilyong drayber.
- Mga nanghaharang na siga at pulis para mangotong.
- Mga pasaherong ayaw umayos ng upo, kala mo nasa bahay.
Madalas maraming aksidente ang nangyayari o hindi kaya ay alitang nauuwi sa krimen. Mga bagay na dulot ng kawalan ng disiplina ng parehong drayber, kapwa drayber, pasahero at tagapagpatupad ng batas trapiko.
Madalas ang isang simpleng biyahe ay nagiging biyaheng impiyerno.
No comments:
Post a Comment