by Chun Li
May jynx daw sa Law School.
Karamihan daw, dahil sa nag-Law School ung isa, nauuwi sa break-up ang relashon. Minsan nga, hindi pa nagsstart ang enrolment, nagbbreak na kasi alam na nilang dalawa na hindi kakayanin. Meron din namang mga tao na dahil lang sa nag-Law School ang chorva, nag-Law School din (eto ung mga madalas na nauunang masipa sa Law School). At meron ding kahit pareho nilang gusto talaga mag-Law School, after few months, nagbreak din.
Bakit ba ganun?? Ganon ba talaga ka-toxic sa Law School at hindi kayang pagsabayin ang Law at Love?? Antagal ko ding pinag-isipan ‘to. At may isa akong theory kung bakit.
Dura Lex Sed Lex. (the Law may be harsh, but it is the Law)
Eto na ata ang pinaka-popular na legal maxim of all. Eto ay isang malaking malakas na sampal na ang ibig sabihin ay “wala ka ng magagawa e! ganyan talaga.” Sa mga panahong hindi mala-fairy tale ang lovelife ko, napaisip tuloy ako.. “pwede palang sabihing in pari materia ang Love at Law”. Dura Love Sed Love. – Love may be harsh, but it is Love.
Dahil tulad ng mga superfluous na statute, MALABO din ang pag-ibig. Ika nga sa Statcon, vague and ambiguous. Ang love na yata ang isa sa mga pinakamahirap i-construe. Hindi ito madaling ipaliwanag dahil susceptible sa various interpretations ang lahat. Lalo na kung praning kang tulad ko. Dahil I’m sure, ang construction na magagawa mo ay absurd, impossible at mischievous.
Dahil ang love ay isang aggravating circumstance – it is an unlawful entry. Hindi mo naman pinilit ‘tong maramdaman. Hindi mo ‘to pinili, hindi ito pre-meditated.. Kusa na lang pumasok sa puso mo ito nang walang paalam. Ni hindi mo alam na dadating sya, kaya wala ka ding magagawa kung paalis na.
Para din itong alternative circumstances – parang intoxication, parang lack of sufficient instruction. Nakakalasing ang umibig,.nakakatanga. Kaya minsan, hindi mo na alam kung nakakabuti pa ba o nakakasama na. Minsan kahit contradicting na ang sinasabi nya sa ginagawa nya, okay pa din. Ikaw na ang nag-aadjust. Pag sweet sya magsalita, verba legis. Pag hindi mashado, iniisip mo na lang, “hindi, ratio legis naman”.
Kung pwede lang sana mag-employ ng alevosia habang nagmamahal, ginawa ko na. Para sana walang risk na masaktan, para sure na hindi ako maaapektuhan, para siguradong hindi kita iiyakan. Kaya lang alam ko namang hindi pwede yon. Minsan kahit ginagawa ko ng self-imposed ang destierro, hindi ko naman mapanindigan. Andalas ng air time mo sa utak ko at hindi ko talaga maiwasan.
Sa totoo lang, hindi naman na din ito ang unang beses na nagmahal ako. Malamang nga, habitual delinquent na ko e. Kung tutuusin, dapat patawan na ko ng reclusion perpetua para magtigil na ko. Kaya lang, ayoko namang magpatalo sa uncontrollable fear. Dahil paulit ulit man akong mabigo at masaktan, sobrang willing pa din akong mag-risk ng paulit ulit ulit mahanap ka lang.
Dahil wala naman akong ibang pinangarap sa buhay ko kundi ang magkaron ng valid na kasal, ang magpundar ng madaming conjugal properties, ang bumuo ng masayang family home, at ang mag-alaga ng mga legitimate na anak. Sa madaling salita, ang nais ko lamang ay ang habambuhay na magmahal at mahalin. At kasama sa mga pangarap kong ‘yon ay ang “atty.” sa unahan ng pangalan ko, at ang apelido mong idudugtong ko sa dulo.
Sa ngayon, mahirap lang cguro talagang pagsabayin ang dalawang parehong komplikadong bagay. Lalo pa’t parehong malabo. Umaasa na lang ako na mawawala din ang sumpa, at pagdating ng panahon, makakasama ko na ang tunay na nakatakda.
- - - -

*sa mga lawyers/law students at sa lahat ng babasa.. please, wag mashadong mag-over-analyze. legal terms were used for creative writing purposes only. this is not a legal document. okay?? hihi
**based on first year, first sem subjects only.
***salamat sa’yo na naging dahilan kung bakit ako nakasulat ulet. saktan mo ulet ako by the end of the sem ng maisakatuparan ko ang Oblicon version ko
No comments:
Post a Comment